Monday , October 2 2023
Manilyn Reynes Liza Soberano

Manilyn kinontra si Liza: you can do it on your own, Ipakita mo what you’ve got 

MA at PA
ni Rommel Placente

HINDI pabor si Manilyn Reynes sa naging pahayag ni Liza Soberano sa isang interbyu niya na sinabi niya na, “In the Philippines, the only way to become a big star really, if you’re not a singer, you’re an actor, is to be in a love team.”

Para kay Manilyn, magagawa ng isang artista na sumikat ng walang loveteam partner.

Disagree!” sabi ni Manilyn nang tanungin siya ni Boy Abunda sa guesting niya sa Fast Talk with Boy Abundanitong Miyerkoles ng hapon, tungkol sa kontrobersiyal na deklarasyon ni Liza.

Patuloy ni Manilyn, “Certainly, kaya mong gawin ‘yan on your own. You always go back to ano ‘yung talent na ibinigay sa ‘yo.

Hindi ko sinasabi na hindi mo kailangan ng ka-love team. Somewhere, sometimes, somehow, kailangan mayroon ka ring ka-love team, lalo na kapag growing up, mga teeny, teenager ka.

“Pero of course you can do it on your own. Ipakita mo what you’ve got.

“Huwag half-baked. Kasi sa totoo lang, ang hirap ng half-baked ang ginawa mo.”

Alam ni Manilyn ang kanyang sinasabi, dahil naranasan niya noon na magkaroon ng ka-loveteam. Naging ka-loveteam niya sina Janno Gibbs at Keempee de Leon.

Sikat na sikat ang loveteam nila noong 80’s pero hanggang ngayon, dahil sa kanyang talent, na wala nang ka-loveteam, ay nananatili pa rin sa showbiz si Manilyn. 

So, talent pa rin talaga, at pagiging professional ang dapat na nasa isang artista para sumikat at magtagal sa showbiz.

About Rommel Placente

Check Also

Vina Morales Here Lies Love

Gary proud kay Vina na pinapalakpakan ng iba’t ibang lahi sa Here Lies Love

COOL JOE!ni Joe Barrameda ALL praises ang mga Pinoy na napapanood na Here Lies Love na isang …

Carla Abellana Marian Rivera Maine Mendoza Pilo Pascual

Piolo, Maine, Marian gustong makatrabaho ni Carla

COOL JOE!ni Joe Barrameda BONGGA ang pag-welcome ng All Access to Artist kay Carla Abellana na maging isa sa …

Bong Revilla

Birthday party ni Bong pinutakti ng mga politiko at artista

COOL JOE!ni Joe Barrameda BONGGA ang birthday celebration ni Sen Bong Revilla sa Grand Ballroonm ng Okada …

Carla Abellana All Access to Artists AAA 2

Tom handang harapin ni Carla — Hindi naman ako parang magpa-panic or matatakot 

RATED Rni Rommel Gonzales DERETSAHANG sinagot ni Carla Abellana ang mga tanong sa kanya tungkol sa dating …

Innervoices

Innervoices nag-boom ang music career dahil sa socmed

RATED Rni Rommel Gonzales NANINIWALA ang bandang Innervoices na dahil sa pag-boom ng social media platforms ay …