Thursday , June 4 2026
Arrest Posas Handcuff

Pugante na may kasong pang-aabuso sa menor-de-edad tiklo

Ang itinuturing na isa sa most wanted person sa Bulacan na may kasong pang-aabuso sa menor de-edad ang naaresto sa kanyang pinagtataguan sa Pandi, Bulacan.

Batay sa ulat na ipinadala kay Police Colonel Relly B. Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, ang arestadong pugante ay kinilalang si Jimmy Annaliza alyas Anna Gonzaga, 29, na residente ng Brgy. Pinagkuartelan, Pandi, Bulacan.

Si alyas Anna Gonzaga na nakatala bilang Top 8 Most Wanted Person sa municipal level ng Pandi ay naaresto ng mga tauhan mula sa 2nd Bulacan Provincial Mobile Force Company.

Ang akusado ay nahaharap sa kasong paglabag sa Section 10 (A) ng RA 7610 o lalong kilala na Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation, and Discrimination Act.

Ang warrant of arrest laban kay alyas Anna Gonzaga ay inilabas ni Judge April Anne M. Turqueza-Pabellar, Presiding Judge, Family Court Branch 6, Santa Maria, Bulacan.(Micka Bautista)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Knife Blood

Mag-asawang senior citizen patay sa anak na may mental health condition

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ng isang 46-anyos lalaki na may kondisyon sa pag-iisip ang kaniyang mga …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …