Wednesday , June 24 2026
arrest prison

Sa mga lungsod ng Angeles at Olongapo
DALAWANG PUGANTE NALAMBAT

Dalawang indibiduwal na kabilang sa most wanted person ang arestado ng pulisya sa magkahiwalay na operasyon sa mga lungsod ng Angeles sa Pampanga at Olongapo sa Zambales.

magkasanib na operating troops ng Olongapo CMFC at iba pang concerned police units ang unang naglatag ng manhunt operation sa Brgy. Apalit, Floridablanca, Pampanga.

Ito ay nagresulta sa pagkaaresto kay Alex Yabut y Serrano sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong Murder na inilabas ni Judge Richard A. Paradeza, Presiding Judge, Branch 72, Olongapo City Zambales na walang itinakdang piyansa.

Sumunod dito, ang mga operatiba ng Police Station 3- Angeles CPO ay nagsilbi rin ng warrant of arrest laban kay Angelo Dinio y Bengco sa Brgy.. Pulung Maragul, Angeles City para sa kasong Rape na inilabas ni Judge Katrina Nora S. Buan-Factora, Presiding Judge, Branch 10, Angeles City na wala rin itinakdang piyansa. (Micka Bautista)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Nartatez PNP

2 pulis timbog sa rape at pambubugbog ng misis

INARESTO ang dalawang aktibong pulis na may magkahiwalay na kaso ng rape at domestic violence …

Tacloban School Gun Shooting

Sa insidente ng pamamaril sa Tacloban
3 ESTUDYANTE NAPASLANG 20 PA NASAKTAN, SUGATAN
40 basyo ng bala nakuha sa crime scene

HATAW News Team TATLONG kabataang estudyante ang napaslang habang umakyat na sa 20 ang iniulat …

Amenah Pangandaman DBM Money

PH No.1 sa budget transparency – IBS

NAPANATILI ng Filipinas ang pagiging numero uno pagdating sa budget transparency  sa buong Southeast Asia, …

Janeena Chan David Licauco Fabio Ide, Ellen Frojd Teejay Marquez BlueWater Day Spa

Janeena Chan iwas na sa puyat at sobrang trabaho simula nang magka-Bell’s Palsy

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAS pinahahalagahan na ngayon ni Janeena Chan ang sarili at kalusugan kaysa trabaho. …

san juan city

Wattah Wattah Festival ng San Juan kasado na

KASADO na ang San Juan City local government unit (LGU) sa lahat ng aktibidad para …