Sunday , April 28 2024
Anji Salvacion  

Anji Salvacion umaapaw ang tiwala sa sarili sa bagong single na Paraiso  

IBIBIDA ng Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10 big winner na si Anji Salvacion ang kanyang mas matapang at mas kaakit-akit na imahe sa kanyang bagong single na Paraiso na mapaKIkinggan na simula Biyernes (Abril 14).

Dala ng upbeat track na una niyang proyekto sa ilalim ng Tarsier Records ang mensahe ng pagpapahalaga sa self-esteem at pagyakap sa sariling kahulugan ng paraiso. Ipinrodyus ng US-based producer na si Exale habang isinulat naman ng singer-songwriter na si Annie Lux ang awitin na tiyak magpapakita ng kakaibang musical style at paglago ni Anji bilang recording artist.

“Self-confidence right now is very hard to achieve because everybody in this generation is competing with each other. I just want to remind everyone that it’s not about competing, it’s about going with your own pace and that’s what the song really means to me, embracing one’s self, your body, your beauty, your skin, your everything, your personality, that’s what it’s all about,” sabi ni Anji.

Ikinuwento rin niya ang kanyang reaksiyon nang mapakinggan ang awitin sa unang pagkakataon.

“‘Yung pag-record namin sobrang nakatutuwa siya ‘cause when I first heard the song it made me confident about myself, it made me love myself even more so I want everyone to love themselves even more. If you’re hearing this everyone, love yourself,” saad niya.

Bukod sa pagiging “singing sweetheart ng Siargao” sa PBB, nakilala rin si Anji sa pagsali niya sa unang season ng Idol Philippines noong 2019. Mas naipakita naman niya ang talento sa pagkanta nang inilabas niya ang mga awiting Buo na naging bahagi ng teleseryeng Marry Me, Marry YouKeeps on Coming Back na napakinggan sa IWantTFC series na Unloving U, at Don’t Be Afraid na mula sa drama series na 

My Sunset Girl.  

Dagdag pa rito, isinulat din niya ang anim na awitin ng kanyang debut EP na  Kasingkasing Dalampasigan na inilabas nitong nakaraang taon. Umani ang key track nitong Dalampasigan ng mahigit dalawang milyong stream sa iba’t ibang platforms habang pumalo naman sa mahigit 4.5 milyon streams ang kanyang EP sa Spotify.

Damhin ang mensahe ng Paraiso na mapakikinggan ngayong Biyernes (Abr. 14) sa iba’t ibang digital music platforms. 

About hataw tabloid

Check Also

Innervoices

Miyembro ng InnerVoices binato ng sanitary napkin sa show

MATABILni John Fontanilla MAY unforgettable experience ang isa sa miyembro ng bandang InnerVoices, si Angelo Miguel(vocalist) sa …

David Licauco Derrick Monasterio Teejay Marquez Kiko Estrada Enzo Pineda Ruru Madrid

Ruru, Teejay, Derrick, Enzo, David, at Kiko  nagsapawan

MATABILni John Fontanilla TIMELY ang pagpapalabas ng barkada film nina David Licauco, Derrick Monasterio, Teejay Marquez, Kiko …

Bing Velasco Cheska Garcia Pichon Garcia Patrick Garcia

Cheska, Pichon, Patrick wasak sa pagkawala ng ina

MA at PAni Rommel Placente NAKIKIRAMAY kami sa magkakapatid na Cheska, Pichon, at Patrick Garcia sa pagpanaw ng …

Phillip Salvador

Ipe binanatan sa planong pagtakbong senador

MA at PAni Rommel Placente NOONG inanunsiyo ni Phillip Salvador na tatakbo siya sa darating na mid-term …

Myrtle Sarrosa Kristoffer Martin Claire Castro

Myrtle bistado na, relasyon nina Kristoffer at Claire nanganganib

RATED Rni Rommel Gonzales MANAGOT na ang dapat managot dahil patuloy ang pagsabog ng katotohanan …