Thursday , April 18 2024
KBYN Kaagapay Ng Bayan Noli de Castro

Natatanging Philippine entry sa News: Program category
KBYN NI NOLI PASOK SA SHORTLIST NG NEW YORK FEST

NAKAPASOK sa shortlist ng New York Festivals TV & Film Awards ngayong taon ang public affairs program ng ABS-CBN News na KBYN: Kaagapay Ng Bayan ni Kabayan Noli de Castro,na ito lamang ang tanging kalahok ng Pilipinas sa News: Best Public Affairs Program category.

Inilabas ng organisasyon sa opisyal nitong website ang shortlist, na binubuo ng iba’t ibang TV at film entries mula sa buong mundo.

Ang KBYN ang pagbabalik sa telebisyon ni Noli noong Abril 2022 na nagtampok ng mga kUwento ng tagumpay, pati na rin ang pakikibaka ng mga ordinaryong Filipino, tuwing Linggo ng hapon. Sa kasalukuyan, naging isang espesyal na segment na ito sa  TV Patrol na pinamagatang KBYN Special Report. Available ang mga episode ng  KBYN sa YouTube channel ng ABS-CBN News.

Bukod sa prestihiyosong karangalang ito, kinatawan din ng KBYN ang Pilipinas sa 2022 Asian Academy Creative Awards nang hirangin ito bilang national winner sa kategoryang Best Current Affairs Programme or Series. Samantala, ginawaran si Noli bilang Most Outstanding Public Affairs Show Host para sa KBYN sa 5th Gawad Lasallianeta noong Enero.

Pinaparangalan ng New York Festivals TV & Film Awards ang content mula sa mahigit 50 bansa, na kinikilala ang mga innovator sa industriya sa 14 na kategorya: News Program, News Reports/Features, Sports Programs, Documentary, Entertainment Programs, Entertainment Specials, Program Crafts, Promotions/Station ID & Open , Promo/ID at Open Crafts, Streaming, Student, Films, Corporate Image, at Film Crafts.

About hataw tabloid

Check Also

Glaiza de Castro David Rainey

Glaiza naka-iskedyul pagbuo ng baby

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG busy si Glaiza de Castro, paano ang pagbuo nila ng pamilya ng …

Rachel aminadong mas mahirap magpasikat ng kanta ngayon

RATED Rni Rommel Gonzales NATANONG namin si Rachel Alejandro sa kung ano ang malaking pagkakaiba ng music …

Atasha Muhlach Daniel Padilla

Daniel at Atasha iniuugnay ng fans

REALITY BITESni Dominic Rea KINIKILIG ako actually sa naglalabasang cropped photos nina Daniel at Atasha Muhlach.  …

Kathryn Bernardo Jericho Rosales Alden Richards

Kathryn pinag-aagawan daw nina Alden at Echo

REALITY BITESni Dominic Rea PAGKARAANG ianunsiyo ni Kathryn Bernardo na she’s already healed after her break-up with Daniel …

Gringo Honasan Ferdinand Topacio Baby Go

Sen Gringo isasapelikula ang buhay

I-FLEXni Jun Nardo NAKATAKDANG gawan ng Borracho Film Production ang buhay ni former Sen Gringo Honasan na hindi pa …