Saturday , April 13 2024
Yeo Jin-goo Cho Yi-Hyun Ditto

Ditto kaabang-abang sa mga mahihilig sa K-movie

KAPAG hindi inaasahan at hindi maipaliwanag ang pagkikita ng dalawang tao, nagkataon pa rin lang ba ito? O paraan na ito ng tadhana at ang kakayahan nitong gawing posible ang imposible? 

May bagong aabangan ang mga K-movie fans dahil mapapanood na sa Philippine cinemas ang pelikula ng dalawang fast-rising Korean stars. Abangan sina Yeo Jin-goo at Cho Yi-Hyun sa Ditto, sa mga sinehan simula March 29, 2023. 

Dalawang tao na nabubuhay sa magkaibang dekada ang magtatagpo at magbabahagi sa isa’t isa ng mga kuwento tungkol sa pag-ibig at pagkakaibigan. 

Si Kim Yong (Yeo Jin-goo) ay college junior sa isang university living at nasa taong 1999. Si Mu-nee (Cho Yi-Hyun) naman ay isang sophomore sa parehas na eskuwelahan pero nabubuhay sa taong 2022. Dahil sa isang total lunar eclipse, kamangha-manghang magkakausap sina Kim Yung at Mu-nee gamit ang isang lumang radyo. Rito mabubuo ang kanilang pagkakaibigan at magkakaroon ng matibay na relasyon na puno ng kuwento tungkol kanilang mga love life at iba pang pagkakaparehas nila.

Abangan ang romantic fantasy film na ipakikita na kahit na nasa magkaibang taon at panahon, ay nabuo pa rin ang samahan ni Kim Yong at Mu-nee. Panoorin kung paano nila patutunayan na kahit na maraming nagbabago sa mundo, may mga bagay pa rin na nanatiling magkapareho. 

Ang Ditto ay remake ng 2000 movie na may parehas ding titulo na bumida sina Kim Ha-Neul at Yoo Ji-Tae. Tignan kung paano binigyan ng direktor na si Seo Eun-Young ng modern-day take ang pelikula na dama pa rin ang magic at romantic feeling ng kuwento.

Mula sa K-Movie Entertainment at Viva Films, humanap ng mga taong babagay para sa ‘yo at magkaroon ng samahan na sa sobrang tibay ay kayang higitan at lagpasan ang kahit na ano, kahit pa ang pagsubok ng oras. Panoorin ang Ditto, in cinemas nationwide ngayong March 29, 2023.

About hataw tabloid

Check Also

Sunshine Dizon Sunny

Sunshine napangatawanan pagiging retokada, Candy agaw-eksena sa Sunny

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio ALIW na aliw kami sa bagong handog na pelikula ng Viva …

Klinton Start

Klinton Start, magiging active ulit sa showbiz pag-graduate ng kolehiyo

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SA KANYANG pag-aaral muna sa kolehiyo ang naging focus ngayon …

Blind Item, Matinee Idol, Mystery Man

Kilalang direktor nag-resign dahil sa sobrang ‘komesiyal’ ng production

PUSH NA’YANni Ambet Nabus GAANO kaya ka-true ang tsismis na umano’y nag-resign ang isang kilalang direktor sa …

MarVen KrisshRome HyGab Marco Gallo-Heaven Peralejo, Krissha Viaje Jerome Ponce  Hyacinth Callado Gab Lagman

3 loveteam ng VAA pantapat sa mga kilalang tandem

PUSH NA’YANni Ambet Nabus UY, may tatlong love teams ang Viva Artists Agency na ipanlalaban sa mga …

Sparkle artists

Sparkle artists magkakaroon pa ng shows sa LA at Japan

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MARAMI pang shows abroad this year ang aabangan sa Sparkle artists …