Tuesday , February 27 2024
Salome Salvi

Salome Salvi, aminadong passion ang paggawa ng adult entertainment

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

KILALA si Salome Salvi bilang adult content creator. Maraming boys ang pamilyar kung gaano ka-liberated at ka-daring si Salome sa mga sex content na na-feature siya.

Ngayon ay sumasabak na rin siya sa mga project ng Vivamax. Although aktibo pa rin si Salome sa paggawa ng mga videos sa Pornhub, isang bagay na hindi kasama sa kontrata niya sa Viva.

Nang pumirma ng kontrata si Salome sa Viva Artist Agency ay kasama niya ang kanyang co-manager na si Mark Ranel Grabador, ang creator ng Entertainment Web.

After mapanood sa Vivamax original film na KITTY K7, ngayon ay isa si Salome sa cast ng pinakabagong Vivamax original series na “Sssshhh”.

Gagampanan ni Salome sa naturang serye ang isang podcaster na nagbibigay ng payo sa mga mag-asawa na may pinagdadaanan sa kanilang mga sex life.

Tuloy-tuloy na ba ang showbiz career niya sa Philippines?

Esplika ni Salome, “I hope na magtuloy-tuloy siya, and that will depend on whether people are receptive to the mainstream work I will be putting out.

“However, my main goal will always be aligned with producing pornography that people can easily access and enjoy. Adult entertainment is where my passions lie and I feel like that is the area that I am the most skilled at.

“I am grateful though, that I am being given opportunities to try new things like acting and writing,” pakli pa niya

Inusisa namin siya hinggil sa seryeng Sssshhh?

“Even Sssshhh was in development, we made it our goal to educate. we always see stories about monogamous, heteronormative relationships in the media, and we want to show our audience that there are kinds of relationships outside that normm that people can explore and derive joy from.

“We also want to show how issues like infidelity and dishonesty in relationships can be dealt with in a healthy manner. We also show how one can embark on a journey of sexual discovery safely and ethically. We are optimistic and hopeful that the series fulfills those objectives,” seryosong sambit ni Salome.

Nagpa-sexy rin ba siya sa seryeng ito?

Aniya, “Yes, mayroon po akong isang sex scene. mayroon kasing flashbacks sa buhay and past relationship experiences ni Salome na nasa series.

“We decided to include those parts para malaman ng viewers natin kung saan nanggagaling ang impormasyong ibinabahagi ni fictional Salome sa kanyang mga guests sa kanyang podcast.”

Sino ang kalove scene niya rito?

Pahayag ng morenang aktres, “Si Yuki Sakamoto ang gumanap bilang ex ni fictional Salome.

“Masaya siyang katrabaho and he was very helpful and patient when we were rehearsing our scenes together. Masaya rin ako na napaka-supportive ng kanyang fiance sa trabaho niya at sa project namin.”

Ang Sssshhh ay mula sa direksiyon ng kilalang Cult Director na si Roman Perez Jr.. Ang naturang serye ay mapapanood na simula March 26, 2023.

Tampok dito sina Vince Rillon, Arron Villaflor, Jeffrey Hidalgo, Quinn Carrillo, Alexa Ocampo, Julia Victoria, Rash Flores, Amanda Avecilla, Aica Veloso, Micaella Raz, Aerol Bren C. Carmelo, Elora Españo, Gboy Pablo, Aziz Menaj, John Derey Guevarra, Chesca Paredes, VR Relosa, Yen Durano, at ang VMX sexpert na si Salome

About Nonie Nicasio

Check Also

Zara Lopez Reece Sapphire

Zara Lopez focus sa pagiging ina kina Reece at Sapphire,  tuloy pa rin as vlogger/influencer

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MARAMI ang nagulat nang naghiwalay nang landas sina Zara Lopez …

Caleb Santos Jose Mari Chan Hazel Faith

Caleb Santos excited makasama si Jose Mari Chan

MATABILni John Fontanilla EXCITED ang singer, actor na si Caleb Santos na makasama sa konsiyerto ang mahusay …

Nadine Lustre

Nadine patok ang pa-two piece habang nakahiga sa kama

MATABILni John Fontanilla TRENDING sa social media ang larawang ipinost ni Nadine Lustre sa kanyang Instagram account. Isang black …

Lolit Solis Kathniel

Lolit pinayuhan KathNiel fans mag-move on kasabay ng kanilang mga idolo

MA at PAni Rommel Placente AWARE si Lolit Solis na hanggang ngayon ay hindi pa nakaka-move on …

Janice de Belen Snooky Serna Sharon Cuneta Gabby Concepcion

Janice kay Gabby—Wala akong galit, we’re friends; Sharon nag-sorry

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni Janice de Bellen sa YouTube channel ni Snooky Serna ay binalikan …