Friday , January 27 2023
LA Santos

LA Santos nominado sa 35th Star Awards for TV 

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

MABAGAL man ang pag-usad ng career ni LA Santos maituturing na blessings pa rin ang unti-unting pag-arangkada nito. Considering na sa limang taon pa lamang sa industry ay marami-rami nang achievement ang nakakamit. Ito’y dahil na rin sa pagtitiyaga at sipag. Katunayan hindi naman siya nawawalan ng proyekto, mapa-acting o concerts local o abroad. 

At sa unang pagsabak niya sa pag-arte, agad napansin ang kanyang talento dahil nominado siya sa Philippine Movie Press Club Star Awards bilang Best New Male Personality sa pagganap niya sa Ang Sa Iyo Ay Akin ng ABS-CBN.

Ang Ang Sa Iyo Ay Akin ay isang drama series na pinagbibidahan nina Jodi Sta. Maria, Iza Calzado, at Sam Milby.  Naging parte si LA ng hit teleserye’s Season 2. Ginagampanan niya ang karakter ni Alfred Vega, biktima ng bullying.

Sinabi noon ni LA na talagang pinaghandaan niya ang karakter na ibinigay sa kanya sa seryeng ito. Napapanood sa kasalukuyan ang serye sa Netflix na may international title na The Law of Revenge. 

Nasabi rin ni LA na nag-eenjoy siya sa pag-arte kaya naman looking forward pa siya sa maraming projects at talagang pinaghuhusayan niya ang anumang trabahong ibinibigay sa kanya. 

“Na-attach po ako mismo sa art of acting,” anang singer/actor na si LA na nag-eenjoy sa iba-ibang karakter na ibinibigay sa kanya.

Pagkaraan ng Ang Sa Iyo Ay Akin, kasama rin siya sa Darna na gumaganap siya kasama sa  paramedic team. Dito’y nakakatrabaho naman niya sina Joshua Garcia, Janella Salvador, at Jane De Leon.

Bukod sa career-defining techniques mula sa mga acting experts, pinahahalagahan ni LA ang advice sa kanya ng bida sa Ang Sa Iyo Ay Akin na si Jodi, “Huwag na huwag mong kakalimutan bakit mo ito ginagawa.” Kaya naman laging grounded at true to his core si LA.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Vince Tañada Ako Si Ninoy Cory Aquino

Interbyu ni Vince Tanada kay Pangulong Cory nagamit sa script ng Ako Si Ninoy

RATED Rni Rommel Gonzales ANG yumaong dating Pangulong Cory Aquino ang isa sa mga main resource people …

Zeinab Harake Marian Rivera Dingdong Dantes

Zeinab kilig na kilig nang makaharap/mayakap si Marian

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio SOBRA-SOBRA and saya at kilig ng content creator na si Zeinab …

Ai Ai delas Alas

AiAi naluha sa storycon ng Litrato, nabigong makabuo ng baby via IVF

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio HINDI napigilan ni Ai Ai delas Alas na maiyak nang mausisa ang …

Bongbong Marcos Toni Gonzaga

Toni naiyak sa mensahe ni PBBM 

HINDI kami nagsisisi sa panonood ng I AM TONI G, ang 20th anniversary ni Toni Gonzaga sa showbiz. …

Geraldine Romantik

Galing sa pagluluto ni Cong. Geraldine tampok sa Geraldine Romantik

MATAGAL ko nang nasusubaybayan si Cong. Geraldine Roman at hanga ako sa pagiging smart lady nito. Kailan …