Thursday , April 18 2024
Girlfriend Na Pwede Na

Girlfriend Na Pwede Na riot sa katatawanan

WINNER ang bagong pelikula nina Jerald Napoles at Kim Molina na hanep ang ganda at kapupulutan ng aral.

Ibang-iba talaga ang tambalang KimJe. Napakahusay! Napakanatural ng dalawa at grabe ang chemistry.

Kaya naman if nagustuhan mo ‘yung mga nauna nilang pelikula nila, for sure magugustuhan mo rin itong Girlfriend Na Puwede Na.

Sa pelikulang ito mararamdaman mo ang iba’t ibang emosyon. Tatawa ka, iiyak ka, at kikiligin. Napakaganda ng istorya at pagkakagawa ng pelikula ni Direk Benedict Mique.

Mahusay din dito sina Gab Lagman, Andrea Babierra, Prince Estefan, Heart Ryan, at Tomas Rodrigo.

Maraming green jokes pero effective at aliw at sobrang nakatatawa. Kaya naman if gusto n’yong maaliw at malimutan panandalian ang inyong problema, nood na ng Girlfriend Na Pwede Na. Pramis mag-eenjoy ka!

Mapapanood na ang Girlfriend Na Puwede Na simula ngayong arawsa mga sinehan nationwide. (John Fontanilla)

About John Fontanilla

Check Also

Beaver Magtalas Maxine Trinidad Mutya Orquia

Beaver puring-puri sina Mutya at Maxine

MA at PAni Rommel Placente SINA Beaver Magtalas, Maxine Trinidad, at Mutya Orquia ang  lead stars ng pelikulang When …

Lizzie Aguinaldo

Lizzie Aguinaldo, humahataw, singing and acting career

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio FIRST TIME naming narinig kumanta si Lizzie Aguinaldo sa ginanap …

Hajji Alejandro Rachel Alejandro Gino Padilla

Hajji never pang nabastos ng mga batang celebrity

HINDI pa raw nakaranas si Hajji Alejandro na may nakababatang celebrity na bastos o walang respeto. “Kasi …

Streetboys

Streetboys, Manoeuvres, UMD magsasama-sama sa isang concert

RATED Rni Rommel Gonzales NASA Pilipinas ngayon si Spencer Reyes, ang sikat na dancer na member …

Ina Raymundo Will Ashley Adolf Alix Jr

Will itinodo acting sa intimate scenes kay Ina

HARD TALKni Pilar Mateo X & Y.  Sa alphabet kahit nasa dulo, powerful na mga letra. Ginagamit …