Tuesday , April 23 2024
Ria Atayde White Castle Whisky Calendar Girl 2

White Castle Whisky, itinataguyod ang body positivity with Ria Atayde para sa kanilang 2023 calendar

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

MINAMARKAHAN ng Destileria Limtuaco & Co., Inc. ang ika-60 anibersaryo ng White Castle Whisky kasama si Ria Atayde bilang 2023 White Castle Whisky Girl.

Na-immortalize ang imahe ng White Castle Girl na naka-suot ng pulang bikini sa ibabaw ng puting kabayo sa Pinoy pop culture. At ngayon, bahagi na si Ria sa prestihiyosong roster ng White Castle girls na kinabibilangan nina Evangeline Pascual, Lorna Tolentino, Techie Agbayani, Carmi Martin, Maria Isabel Lopez, Cristina Gonzales, Glydel Mercado, at Roxanne Guinoo.

Ginawa ng White Castle Whisky ang di inaasahan sa panahon ng internet. Bago mag-2021, ginulat ng brand ang mga netizens nang ipinakilala nila ang YouTube chef at content creator na si Ninong Ry bilang kaunaunahan nilang White Castle Boy. “We weren’t looking to take ourselves too seriously at the time. Coming from the pandemic and working with our tagline Dapat Light Lang, we decided that we should feature someone that had also persevered and created a following during the pandemic,” ayon kay Aaron James Limpe Aw, na Executive Vice President ng Destileria Limtuaco. “Gumawa ng content para sa amin si Ninong Ry kaya naisipan naminng suportahan ang mga sumusuporta sa amin.”

Noong 2021, ibinigay ng brand ang desisyon sa mga tao nang buksan nila ang titulo ng kanilang calendar model sa publiko. Sa public online search na ito, ang TikTok sensation na si Sassa Gurl ang nagwagi at siya ang naging 2022 White Castle Calendar na talaga namang pinuri sapagkat ito ay inclusive at isang tagumpay para sa LGBT community. “Noong umpisa, hindi naman talaga naming ito intensiyon and it was definitely a gamble. We knew there were those who would have negative reactions to our move,” sabi ni Brandon Jon Limpe Aw, na VP for Administration ng Destileria Limtuaco.

Gayonman, gumawa ito ng malakas na alingawngaw sa media firestorm at napagtanto ng brand na madami pa itong maaaring gawin sa kanilang taunang kalendaryo. Gaya nga ng sabi ng Destileria Limtuaco President at CEO na si Olivia Limpe-Aw, “Ini-launch ng mga kalendaryo namin ang karera ng maraming mga aktres at mga modelo. With that kind of clout, nag-desisyon kami na maaari naming gamitin ang platform ng aming kalendaryo para mag-launch ng iba’t-ibang klaseng causes at advocacies.

“Sexy calendars have become a contentious concept. The featured beauty standards have been deemed unrealistic and not representative of the everyday female,” sabi ni Limpe-Aw.

Ipinapakita ni Ria na isang champion ng body positivity, sa pamamagitan ng kalendaryong ito, na ang pagiging sexy ay ang kompiyansa at pagiging komportable sa sarili. “Beauty comes in countless forms, shapes, and sizes. At this day and age, hindi puwedeng i-kahon ang kagandahan,” sabi ni Ria. “Honored ako at ako ang napili bilang White Castle Whisky Girl as the brand allows and supports me in my advocacy to empower each and every woman to embrace her femininity and celebrate her body.”

Magkasama ang White Castle Whisky at si Ria Atayde sa paghatid ng positive at affirming message sa malawak na diversity ng beauty at maraming uri ng pagiging confident at sexy sa pagnanasang yakapin ng milyon-milyong mga kababaihan ang kanilang tunay na kapangyarihan habang kapit-bisig sila na gawing mas maganda ang mundo.      

Para sa karagdagang impormasyon ukol sa White Castle Whisky at para sa mga kapanapanabik na news updates ukol kay Ria Atayde, i-like ang White Castle Whisky sa Facebook.

About Nonie Nicasio

Check Also

Shiena Yu Reina Castillo Yuki Sakamoto

Shiena, Reina, Yuki palaban walang pinipiling lugar kapag ‘nag-init’

COOL JOE!ni Joe Barrameda NALOKA ako sa cast ng Wanted Girlfriend ng Viva. Ito ay sina Shiena Yu, Reina …

Ruru Madrid

Ruru Madrid tuloy-tuloy ang dating ng blessings

COOL JOE!ni Joe Barrameda ISANG payat na binatilyo si Ruru Madrid nang pasukin ang mundo ng showbiz …

Game On The Podcast

Sports chikahan hatid ng Game On! Podcast

GOOD news para sa sports enthusiasts dahil pwede nang mag-tune in sa pinakaunang sports podcast …

Elle Villanueva Derrick Monasterio Kristoffer Martin

Anak ni Elle Villanueva sino ang ama?

RATED Rni Rommel Gonzales #TeamAlex o #TeamSeb ba kayo? Kasing init ng summer ang palitan …

Angel Leighton

Angel Leighton liligwakin na?

RATED Rni Rommel Gonzales MABIGAT ang eksenang hinarap ni Sparkle artist Angel Leighton sa kanyang role bilang …