Tuesday , July 23 2024
Nadia Montenegro

Nadia namahagi ng Noche Buena package sa mga gasoline boy at drivers

RATED R
ni Rommel Gonzales

DALAWAMPU’t walong taon na mula nang maging tradisyon ng aktres na si Nadia Montenegro ang mamahagi ng pagkain sa mga kapuspalad tuwing bisperas ng Pasko.

Na sa halip na nasa bahay at nagno-Noche Buena tulad ng karaniwang ginagawa ng bawat pamilya ay nag-iikot si Nadia at ang kanyang mga anak, kapamilya, at kaibigan at namimigay ng Noche Buena package.

Binansagang Noche Buena Sa Kalsada, unang nabuo ito noong buhay pa ang mister ni Nadia na si dating Caloocan City Mayor Tito Boy Asistio.

Pero ngayong Christmas 2022 ay mga taong walang choice kundi ang magtrabaho pa rin sa bisperas ng Pasko tulad ng mga gasoline boy, Grab drivers, tricycle, at taxi driver at iba pa na magdamagan ang trabaho ang niregaluhan ni Nadia ng pang-Noche Buena.

Sa kanyang Facebook page, bilang pagbibigay-inspirasyon sa iba ay nag-post si Nadia ng mga litrato ng kanilang mabuting gawa kalakip ang mga sumusunod na caption…

NOCHE BUENA SA KALSADA

This personal project of mine started in 1994 when Boy and I decided to prepare Christmas bags for our kababayans in Kalookan. To make the long story short…we are on our 28th year. Thanks to everyone who supported my mission over the years.

This year we decided to give to everyone who had no choice but to still work during Christmas Eve. Gasoline boys, grab drivers, tricycle and taxi drivers who stayed awake all night trying to make a living. God bless you all abundantly.

To God be all the glory! Happy Holidays to everyone. ”

About Rommel Gonzales

Check Also

Cecille Bravo PWDW Filmfest Peoples Legacy Awards

PWDW Filmfest People’s Legacy Awards 2024 matagumpay

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang inaugural PWDW Film Fest People’s Legacy Awards 2024 na ginanap sa  QCX …

Gary Valenciano Inspired

Gary Valenciano pinakaba ang netizens sa black & white poster

MATABILni John Fontanilla HINDI naiwasang matawa ni Gary Valenciano sa naging reaksiyon ng netizens sa black and …

GMA Gala PBB Gen 11

PBB at GMA Gala nagtapatan, sino ang nag-trending?

I-FLEXni Jun Nardo KATAPAT sa  streaming ng GMA Gala ay ang pagbubukas muli ng Bahay ni Kuya …

Barbie Forteza Herlene Budol Kyline Alcantara Kobe Paras

Barbie patakbong tinulungan si Herlene; Kyline nakaw-eksena sa kasamang escort 

I-FLEXni Jun Nardo HINANGAAN si Barbie Forteza na nakuhanang tumulong kay Herlene Budol nang mahulog ito sa isang bahagi …

blind item

Bagong gay series bokya, ‘hindi kinagat 

HATAWANni Ed de Leon AY sorry, mukhang hindi kinagat ng mga bading iyong isang bagong …