Sunday , July 14 2024
Heaven Peralejo Ian Veneracion Lino Cayetano

Direk Lino nakompromiso na sa pagpo-prodyus

RATED R
ni Rommel Gonzales

TIYAK na hindi nagsisisi si direk Lino Cayetano sa kompromiso niya na isuko ang politika at muling harapin ang showbiz.

Nanalo ng mga parangal ang Nanahimik Ang Gabi, pelikulang ipinrodyus niya at ni Philip King ng Rein Entertainment Productions.

Wagi ang Nanahimik Ang Gabi bilang Best Musical Score (Greg Rodriguez III), Best Production Design, Best Supporting Actor para kay Mon Confiado, Best Actor para kay Ian Veneracion (na napili rin bilang Male Star Of The Night), at ang pelikula mismo ay hinirang bilang 3rd Best Picture.

Sa recent na pakikipag-usap namin kay Lino ay naikuwento niya ang ukol sa kompromiso ng Nanahimik Ang Gabiat siya man ay may nagawang kompromiso sa buhay.

Ako, very much! Ito lang pagtayo ng kompanya napakalaking bagay ‘coz I love my work in ABS-CBN, I love working for ABS.  

“‘Yung decision na magtayo ng sariling kompanya para gawin naman ‘yung mga bagay na gusto ko, nagkaroon ng malaking kompromiso.

“Unang-una na-stuck ako sa pagpo-produce, eh direktor naman talaga ako, eh. So natutunan ko ‘yun.

“Pangalawa ‘yung pagpasok ko naman sa politika. Hindi naman siya kompromiso pero ‘yung isa rin na trabaho na mahal ko iniwan ko para sa isang trabahong mahal ko rin, ‘yung makatulong sa mga kapwa ko Taguigeño.”

Taong 2010 ay nahalal na baranggay captain si Lino sa Taguig, 2013 naman ay nanalo siyang Congressman sa 2nd District ng Taguig, at 2019 hanggang 2022 ay umupo siya bilang Mayor din ng nasabing lugar.

Sa mga panahong iyon ay tinalikuran muna ni Lino ang pagiging direktor at ang showbiz.

Laging may kompromiso, sa oras, sa pamilya, sa trabaho, sa relasyon,” sabi pa niya.

Ang Nanahimik Ang Gabi ay pinagbibidahan rin ni Heaven Peralejo at palabas sa mga sinehan hanggang January 7.

About Rommel Gonzales

Check Also

Stell Ajero Julie Anne San Jose Gary Valenciano Pablo Nase SB19

Pablo at Gary V tampok sa Julie X Stell concert

RATED Rni Rommel Gonzales MARAMI na ang excited at talaga namang nakaabang sa nalalapit na Julie …

Dapat Alam Mo Susan Enriquez Kuya Kim Atienza.

Tandem nina Susan at Kuya Kim winner sa viewers

RATED Rni Rommel Gonzales MA-ENTERTAIN habang natututo ng maraming bagay Ito ang hatid ng  news magazine …

Kapuso Mo, Jessica Soho KMJS

KMJS paboritong programa ng pamilyang Filipino

RATED Rni Rommel Gonzales PATULOY ang Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS) sa pagiging Sunday viewing habit ng …

Elia Ilano Francisco Marto Jacinta Marto

Elia Ilano bibida sa Miracle of Fatima Musical Play

MATABILni John Fontanilla DREAM come true para sa  FAMAS at PMPC Star Awards for Movies Best Child Actress na …

BI7IB Raymond RS Francisco Atty Aldwin Alegre Atty Honey Quiño

Newbie P-Pop boy group gustong makilala international tulad ng SB19

MARAMING plano ang AQ Prime Music, ang management ng P-Pop Boy Group, ang BI7IB na may bagong single na Say …