Wednesday , July 24 2024
Ejay Fontanilla

Ejay Fontanilla, tampok sa pelikulang My Love, My Influencer

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

ANG Viva artist na si Ejay Fontanilla ay patuloy sa paghataw ang showbiz career. May bago kasi siyang project na siya ang bida  at Executive Producer, na plano nilang isali sa mga international filmfest.

Pinamagatang My Love, My Influencer, tampok din dito sina Andrew Gan, Carlo Mendoza, at iba pa, mula sa pamamahala ni

Aminado si Ejay na ito ang pinaka-challenging role niya.

Wika ng aktor, “So far, eto na ang pinaka-challenging role ko, Kasi ako ang Executive Producer, ako ang nagbayad lahat ng TF. Hahaha! And lahat ng scene sa akin, ‘di ako makapahinga ng like one hour. Idlip lang like five minutes… Tapos ang pinakamahirap is make up ng two hours. So far, kaya ko naman ang gay role kasi nalalaro ko ang boses ko, since maliit ang boses ko.

“Sa movie, ako si Ariela, isang probinsyana na nakipagsapalaran sa Maynila dahil ulila na itong lubos, kaya mas piniling makipagsapalaran kasama ang kanyang tiyahin.”

Esplika pa ni Ejay, “It’s all about Ariela she is a member of third gender or mas alam natin sa salitang LGBTQ, Ipinapakita rito kung ano yung mundo o buhay nila ni Tita Rhoda, her Aunt, kung paano sila namumuhay at nakikipagsapalaran sa Maynila dahil sila ay mga probinsyana.

“At ipinapakita rito yung pagiging fan ni Ariela sa isang social media influencer na si Jiro Estefan (Andrew), kung paano ang magiging relasyon ng isang fan sa kanyang iniidolo, kung paano ma-overcome ng isang straight guy ang kanyang past issue sa mga gays, Plus ng isang malapit na kaibigan ni Ariela na si Fernan (Carlo) na opposite ng role ni Jiro (Andrew), na alam naman natin na may mga lalaki pa rin talaga na hindi malapit sa LGBTQ members.”

Bukod sa pelikulang My Love, My Influencer, Isa pa sa ipinagpapasalamat ni Ejay ang pag-aalaga sa kanya ni Ms. Ced Evangelista na CEO ng Perfume Dessert London na si Ejay ang tumatayong PR Manager.

About hataw tabloid

Check Also

Benhur Abalos Perci Intalan

Birthday ni Sec Benhur dinaluhan ng mga kaibigan sa showbiz at politics; Direk Perci sinagot pasaring ni Atty. Topacio

PUNOMPUNO ang EDSA Shangri-la Hotel noong Biyernes dahil mula sa mga kaibigan   sa showbiz at politics …

Quinn Carillo Christine Bermas Itan Rosales Kaskasero

Christine nakatulong pagiging palaban sa pagpasok sa Wil to Win

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio KAPWA magaling na aktres sina Quinn Carillo at Christine Bermas ng Vivamax kaya mula sa  pagpapa-sexy ay …

Marian Rivera Kath Melendez Nekocee

Kath Melendez ng Nekocee na-starstruck kay Marian

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MALAKING challenge para sa production ng Cinemalaya movie ni Marian Rivera, ang Balota kung paano siya …

Nora Aunor Maricel Soriano Alden Richards

Nora, Maricel, at Vilma triple tie for best actress sa 40th Star Awards

ni ROMMEL GONZALES TABLA, yes it’s a tie sina Dingdong Dantes at Alden Richards bilang Movie Actor of the …

Kumu

KUMU  top live streamers  ng SM Agency gustong pasukin ang showbiz

MATABILni John Fontanilla MAGANDA ang bawat kuwento ng  ilang top live streamers ng  SM Agency na umatend …