Friday , June 5 2026
Zanjoe Marudo Ria Atayde Sylvia Sanchez

Sylvia boto kay Zanjoe para sa anak na si Ria

MA at PA
ni Rommel Placente

SA interview kay Sylvia Sanchez ni Alora Sasam, nagtanong ang huli sa una tungkol sa pakikipagrelasyon ng anak nitong si Ria Atayde. Kung naughty or nice ba si Ria tuwing nasa isang relasyon.

Nice siya kasi ibinibigay lahat, isinusuko lahat. Sinasabihan ko siya talaga na, ‘Magtira ka para sa sarili mo,’”sagot ni Ibyang (tawag kay Sylvia).

Kaya naman nang tanungin si Sylvia kung pakiramdam niya ay may nagbago kay Ria sa kanyang past and current relationship, ang sabi niya, “Ang laki ng ipinagbago. Ang laki ng kaibahan. Masaya ako. Kaya ko ipino-post kasi gusto ko siya. Mabait si Z, marespetong bata and gustong-gusto ko siya.”

Ang Z na tinutukoy ni Sylvia ay si Zanjoe Marudo. 

Sa naging pahayag niya na gusto niya si Zanjoe for Ria, ibig bang sabihin nito ay kinukompirma niya nang may relasyon na ang dalawa? Or baka naman gusto niya si Zanjoe bilang manliligaw pa lang ni Ria?

Hindi pa kasi umaamin sina Ria at Zanjoe na may something na sa kanila.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Isha Ponti

Isha Ponti walang isyu sa taguring Asia’s Pop Sweetheart 

HARD TALKni Pilar Mateo ANG tanong ko sa kanya kung ano ang likas sa isang Isha …

Joel Lamangan Vean Cancino Olmedo

Joel Lamangan nabighani sa ganda at galing ni Vean Cancino Olmedo

HARD TALKni Pilar Mateo DALAWANG Sabadong nagsilbing hurado sa pagtatanghal ng mga bagong sumabak sa …

Alfred Vargas Yasmine Espiritu-Vargas

 Alfred at Yasmine umapela: mga ebidensiya binalewala

UMAPELA ang mag-asawang Alfred Vargas at Yasmine sa Manila Prosecutors’ Office na suriing muli ang resolusyong nagbabasura sa isinampa …

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …