RosMar Rosmar Tan Rosemarie Tan Rosmar Skin Essentials

MATABIL
ni John Fontanilla

KAHIT may pinagdaraanan dahil sa demandang isinampa sa kanya si

Glenda Victorio, all smile at maaliwalas ang mukha nang humarap sa piling-piling entertainment press ang CEO & President ng Rosmar Skin Essentials na si Rosmar Tan.

Ayon kay Rosmar wala siyang ginagawang hindi maganda para sa kanyang kapwa.

Kuwento nga nito sa kanyang solo presscon kamakailan, β€œKasi alam ko naman na wala akong ginawang masama.”

Masaya pa rin si Rosmar dahil sobra-sobra ang blessings na natatanggap niya, mayroon siyang masayang pamilya, malusog na pangangatawan, at successful na negosyo,  ang Rosmar Skin Essentials atbp..