Barbie Forteza Maria Clara at Ibarra Gawad Banyuhay 2022

Maria Clara at Ibarra pinarangalan sa Gawad Banyuhay 2022

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

BUKOD sa pagiging top-rating at trending gabi-gabi, award-winning na rin ang GMA primetime series na Maria Clara at Ibarra

Sa first-ever Gawad Banyuhay 2022 na mula sa Dr. Carl E. Balita Foundation, pinarangalan ang serye ng Programang Pang-edukasyon. Mismong si Binibining Klay (Barbie Forteza) ang personal na tumanggap ng award noong December 12 sa Manila Hotel.

Ang Gawad Banyuhay ay kumikilala sa mga indibidwal o grupo na nagsisilbing magandang halimbawa at inspirasyon sa ibang tao sa pamamagitan ng iba’t ibang serbisyo o gawain. Talaga namang dasuurvvv ng Maria Clara at Ibarra ang mas marami pang pagkilala! 

Congratulations, mga Kapuso!