Friday , February 3 2023

Sa 2022 World Weightlifting Championships
3 GINTONG MEDALYA HINAKOT NI HIDILYN

120922 Hataw Frontpage

HINAKOT ni Weightlifting champ Hidilyn Diaz ang tatlong Gintong Medalya sa katatapos na World Weightlifting Championship.

Ito ay matapos masungkit ang gintong medalya sa women’s 55-kilogram division World Weightlifting Championship na ginanap sa Bogota, Colombia.

Tinalo ni Diaz si Rosalba Morales ng Colombia at Ana Gabriela Lopez ng Mexico matapos mabuhat ang kabuuang 207 kilogram dahilan para makuha ang tatlong gold medals sa snatch, clean and jerk at total.

Binuhat ni Diaz ang  93 kilogram sa  snatch para makuha ang unang gintong medalya sa world championships.

Sumunod na binuhat ni Diaz ang  114 kilogram para manguna sa clean and jerk.

Nakuha ni Morales ang silver medal.

Nabatid na ang Bogota world competition ay bahagi ng qualifying round ni Diaz para sa Paris 2024.

Kung saka-sakali, ito na ang ikaanim na paglahok ni Diaz sa Olympic.

Hawak ngayon ni Diaz ang record na World Champion, Olympic Champion, Asian Champion, Asian Games at Southeast Asian Games Gold medalist.

About hataw tabloid

Check Also

Rex Gatchalian DSWD

Rex Gatchalian bagong DSWD secretary

ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr., si  Valenzuela City Rep. Rex Gatchalian (1st district) …

Noong school year 2021-2022
404 MAG-AARAL PATAY SA SUICIDE 2,174 NAGTANGKAMAGPAKAMATAY

ni Niño Aclan NABUNYAG sa senadona 404 mag-aaral ang namatay sa suicide at 2,174 mag-aaral …

Bongbong Marcos Jullebee Ranara Arnell Ignacio

Ayuda sa pamilya ni OFW Ranara, tiniyak ng Pangulo

TINIYAK ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., hindi pababayan ng pamahalaan ang pamilya ni Jullebee …

013123 Hataw Frontpage

Human rights group pumalag
COMMUNITY DOCTOR ‘BINANSAGANG’ TERORISTA NG ATC

ni ROSE NOVENARIO KINONDENA ng isang human rights group ang arbitraryo, walang basehan, at malisyosong …

013023 Hataw Frontpage

Sa Duterte drug war
MARCOS VS ICC PROBE ITIGIL — CenterLaw

HINILING ng isang grupo ng mga abogado kay Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr., na itigil …