Saturday , July 27 2024
LA Santos Kira Balinger

LA Santos at Kira Balinger team up, papunta na sa next level?

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

MAY something ba between LA Santos at Kira Balinger?

Seseryosohin kaya nina LA at Kira ang kanilang screen team up? Papunta na ba sa next level ito?

Marami kasi ang nakapapansin sa magandang chemistry nina Kira at L.A. na napapanood sa hit ABS-CBN seryeng Darna.

Kira plays Luna sa naturang serye na pinagbibidahan ni Jane de Leon, while LA plays Richard.

“Bagay sila!” Ang kadalasang comment ng netizens sa dalawa. Even sa kanilang social media posts, though wala naman silang iniri-reveal pa talaga. Kapansin-pansin nga how LA treats Kira, na talagang very special sa actor/singer.

Samantala, marami rin ang curious na ‘marites’ kung si Kira kaya ‘yung mysterious girl sa mga Instagram posts ni LA?

Sa comment section nga, iisa ang naging observation ng madlang pipol, “Sana sila na! Bagay sila!”

Anyway, sa ngayon ay walang kompirmasyon sa magandang pagtitinginan nina LA at Kira o sa real status ng kanilang special friendship. Kaya for now, siguradong nakaabang ang mga ‘marites’ kung later-on ba ay aamin na rin sina LA at Kira.

Incidentally, si LA ay bahagi rin ng MMFF entry na Mamasapano, kaya maganda talaga ang year 2022 sa guwapitong anak ni Ms. Flor Santos.

About Nonie Nicasio

Check Also

Ruru Madrid Coco Martin

Ruru gagayahin si Coco magdidirehe at magpo-produce

RATED Rni Rommel Gonzales NADISKUBRE namin na may ambisyon pala si Ruru Madrid na maging isang producer. …

Binibining Pilipinas PlayTime Binibini

PlayTime sanib-puwersa sa 60th Binibining Pilipinas 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MALUGOD na inihayag ng PlayTime, ang mabilis na lumalagong 24/7 online …

Puregold Cinepanalo Film Festival 2025

2nd Puregold Cinepanalo mas pinalaki, mabibiyayaan ng grant dinagdagan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio  MAS pinalaki, mas pinalawak. Ito tila ang gustong tahakin ng …

Quinn Carillo Christine Bermas Itan Rosales Kaskasero

Christine Bermas at Itan Rosales, unang nagkatikiman sa pelikulang Kaskasero

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio UNANG nagkasama sa isang project sina Christine Bermas at Itan …

Mark Anthony Fernandez Mariane Saint Carby Salvador

Mark Anthony bokya kay Mariane

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio HINDI issue kay Mark Anthony Fernandez kung nagpapakita siya ng skin sa …