Saturday , February 4 2023
Sean de Guzman Jake Cuenca

Jake nahirapan nang komprontahin si Sean

RATED R
ni Rommel Gonzales

BIDA si Jake Cuenca sa My Father, Myself na entry sa 2022 Metro Manila Film Festival.

Saang eksena siya nahirapan sa gay-themed movie nila ni Sean de Guzman?

I think the hardest scene…wala namang scene that took several takes, kasi si direk Joel you have to be ready, kumbaga siya he’s only going for a few takes at siguraduhin mo matatama mo lahat ng shot niya and iyon na ‘yun.

“Hindi siya uulit para sa ‘yo, but I think the most challenging was ‘yung ipinakita nila sa trailer, ‘yung, ‘Hindi ba ako sapat sa ‘yo?’

“Kasi one take lang talaga ‘yun, pababa na ‘yung araw, pressure scene kasi ang haba niyong eksena so, tipong alam mo ‘yun?

“At saka last sequence ko ‘yun sa buong pelikula, so alam mo ‘yun, ‘pag pumalpak ako sa eksenang ‘to bibitbitin ko ‘to for the rest of my life, ‘di ba?

“At saka siyempre sasabihin ni direk Joel… I think hindi naman sa nahirapan kami but I would say that was the pressure scene, ‘yun talagang… iyon ‘yung buong shooting process inaabangan ko ‘yung eksenang ‘yun kasi alam kong mahirap.”

Ito ang kauna-unahang movie ni direk Joel Lamangan na R-18 at for adults. Marami na siyang MMFF movies before pero ito talaga ang kauna-unahang for adults only.

Bukod kina Jake at Sean, nasa pelikula rin sina Dimples Romana, Tiffany Grey, at Allan Paule.

Ipalalabas sa December 25 ang My Father, Myself na mula sa Mentorque Entertainment at 3:16 Media Network.

About Rommel Gonzales

Check Also

Rhian Ramos Paolo Contis

Rhian sa pagsasama nila Paolo: Matagal ko na siyang gustong makasama, nagagalingan ako sa kanya

RATED Rni Rommel Gonzales SA unang pagkakataon ay magtatambal sa isang pelikula sina Rhian Ramos at Paolo Contis. …

Cassy Legaspi JK Labajo Darren Espanto

Cassy nagulat, walang alam sa away noon nina JK at Darren 

RATED Rni Rommel Gonzales IKINAGULAT namin na ni wala palang kamalay-malay si Cassy Legaspi na nagkaroon ng mainit …

Barbie Forteza Jak Roberto

Jak nakasisiguro kay Barbie, hindi ipagpapalit sa iba

I-FLEXni Jun Nardo SECURED ang Kapuso hunk na si Jak Roberto sa relasyon nila ng girlfriend na si Barbie Forteza. …

LJ Reyes Paolo Contis Yen Santos

Paolo ipinagtanggol si Yen, ‘di raw siya inagaw kay LJ 

I-FLEXni Jun Nardo INABSUWELTO ni Paolo Contis ang girlfriend na si Yen Santos nang ipalabas ang part 2 ng …

Blind Item, Gay Lovers, matinee idol, male star

Male star na-inlab kay poging actor na ayaw na siyang makatrabaho

ni Ed de Leon ANG totoo pala, talagang nagkagusto ang isang male star na kalabisan naman sigurong …