Wednesday , February 21 2024
Antonella Berthe Murillo Racas Chess PAPRISA
Photo caption: WOMAN National Master Antonella Berthe Murillo Racasa (kaliwa).

WNM Racasa nanguna sa PAPRISA Chess Meet

MANILA — Nakopo  ni Woman National Master Antonella Berthe Murillo Racasa ang pangkahalatang liderato sa High School Girls Division ng Pasig Alliance of Private School Administrators (PAPRISA) chess championship na ginanap sa Niño Jesus House of Studies sa Pasig City nitong Lunes.

Nasilayan ang 15-anyos na si Racasa, estudyante ng Victory Christian International School sa pagtulak ng panalo kontra kina Stephanie Engles at Eloisa Jade Alcantara sa third at fourth rounds para manatiling undefeated, may 4.0 points sa 20 minutes plus 10 seconds increment time control format.

Una dito ay tinalo ni Racasa si Charlene Alessandra Bacunawa sa first round at Aubrey Gayle De Leon sa second round.

Kasama ng kanyang father/coach Roberto Manggaran Racasa, isang International Memory Sports champion, mas kilala sa palayaw na Tonelle sa chess world, ay makakasama ng batang Racasa sina 13-time Philippine Open Champion Grandmaster Rogelio “Joey” Madrigal Antonio, Jr., at National Master Almario Marlon Quiroz Bernardino, Jr., sa paglahok sa 2023 Bob Wade Masters and Challengers sa 13-21 Enero sa Howick Community Church Complex sa Auckland New Zealand. (MARLON BERNARDINO)

About Marlon Bernardino

Check Also

NCAA Season 99 Juniors Basketball Tournament

NCAA Juniors Basketball Tournament simula na 

RATED Rni Rommel Gonzales PATULOY ang aksiyon sa NCAA Season 99 dahil umpisa na ang bakbakan sa NCAA …

Christian Mark Daluz Chess

Sa Antonio “Bolok” Memorial Open Rapid Chess Tournament
FM DALUZ WINALIS MGA KATUNGGALI

MARIKINA CITY — Napanatili ni FIDE Master (FM) Christian Mark Daluz ang mainit na simula …

Niño Alcantara Tennis

Naging Number One Doubles Player sa Pilipinas  
NIÑO ALCANTARA UMAKYAT MULA 176 HANGGANG 169 SA ATP RANKINGS

SI NIÑO Alcantara, ang sumisikat na tennis star mula sa Pilipinas, ay patuloy na gumagawa …

Surigao Diamond Knights ACAPI Chess

Surigao Diamond Knights: Ready, excited na maglaro sa ACAPI tourney

MANILA—Sabi ng beteranong woodpusher na si Lennon Hart Salgados na team captain ng Surigao Diamond …

Jethro Dino Cordero Aquino Chess

Nakakakuha ng 1st IM norm at outright FIDE Master title  
INCOMING LA SALLE STUDENT NAKISALO SA IKA-5 PUWESTO SA INDIA CHESS TILT

Panghuling standing: (10 round Swiss System) 8.0 puntos–GM Sayantan Das (India) 7.5 puntos—GM  Diptayan Ghosh(India), …