Saturday , February 4 2023
Tuesday Vargas

Tuesday ‘nabastos’ ng dalawang baguhan

MA at PA
ni Rommel Placente

NAG-POST ang komedyanteng si Tuesday Vargas sa kanyang Instagram account tungkol sa naranasan niya sa mga batang artista na nang-isnab sa isang event. 

Aniya, kahit hindi pa oras para isalang ang mga batang artista ay isiningit sila sa program flow dahil nagmamadali ang mga ito. At kahit binati niya ang mga ito ay hindi siya pinansin.

Post ni Tuesday published as it is, “Mga batang artista, kahit gaano kayo ka-sikat at pinagkakaguluhan ng mga tao, mag-hello kayo sa kapwa nyo artista pagdating sa work. Lalo na sa nakakatanda.

“Sumingit na nga kayo sa program kasi nagagalit na ang handler nyo at bawal ata kayong pinaghihintay.

“Tapos ako pa ang nagbigay galang sa inyo, dinedma nyo pa ako.

“Tandaan, madaling maabot ang fame. Longevity is harder.

“Pakabait ok? Huwag ganun.”

Sino kaya ang mga batang artista na tinutukoy ni Tuesday?

About Rommel Placente

Check Also

Rhian Ramos Paolo Contis

Rhian sa pagsasama nila Paolo: Matagal ko na siyang gustong makasama, nagagalingan ako sa kanya

RATED Rni Rommel Gonzales SA unang pagkakataon ay magtatambal sa isang pelikula sina Rhian Ramos at Paolo Contis. …

Cassy Legaspi JK Labajo Darren Espanto

Cassy nagulat, walang alam sa away noon nina JK at Darren 

RATED Rni Rommel Gonzales IKINAGULAT namin na ni wala palang kamalay-malay si Cassy Legaspi na nagkaroon ng mainit …

Barbie Forteza Jak Roberto

Jak nakasisiguro kay Barbie, hindi ipagpapalit sa iba

I-FLEXni Jun Nardo SECURED ang Kapuso hunk na si Jak Roberto sa relasyon nila ng girlfriend na si Barbie Forteza. …

LJ Reyes Paolo Contis Yen Santos

Paolo ipinagtanggol si Yen, ‘di raw siya inagaw kay LJ 

I-FLEXni Jun Nardo INABSUWELTO ni Paolo Contis ang girlfriend na si Yen Santos nang ipalabas ang part 2 ng …

Blind Item, Gay Lovers, matinee idol, male star

Male star na-inlab kay poging actor na ayaw na siyang makatrabaho

ni Ed de Leon ANG totoo pala, talagang nagkagusto ang isang male star na kalabisan naman sigurong …