Friday , February 3 2023

Randy gustong makatrabaho muli si Maricel

MA at PA
ni Rommel Placente

PANGARAP ni Randy Santiago na sa susunod na taon ay makapag-record siya ng bagong kanta at maka-collab ang mga young and talented artists ngayon.

Sabi ni Randy, “Ang uso kasi ngayon ‘di ba, ‘yung mga collab, so I’m thinking aside from having ‘yung mga co-generation ko, ang gusto kong mangyari ‘yung mga ka-collab ko ‘yung mga bata.

“Ang gusto ko nga gumagawa ako ng mga kanta para sa mga bata. Kasi ‘yung mga kinakanta ko medyo novelty na, and minsan nararamdaman ko na parang hindi na bagay sa akin ‘yung mga ganoon,”

Patuloy pa niya, “So ‘yung naughty sides ko lalo na when I write songs gusto ko nang ibigay sa mga bata. Basta may suprises, eh, na sana matuloy.”

Nagpapasalamat din ang beteranong singer na sa kabila ng maraming bagong singers na nagsusulputan ngayon ay marami pa rin ang kumukuha sa kanyang serbisyo para mag-perform sa mga show sa Pilipinas at maging sa ibang bansa.

“Nagpapasalamat talaga ako sa tiwala ng mga producer for still getting me. Of course, we’ll have to take care of ourselves, ‘di ba?

“So kapag inaalagaan mo ang sarili mo at nakikita naman na wala kang bisyo at medyo maayos ka naman, ang career mo and whatever you’re doing sa industriya nandoon ‘yung mga producer and everybody.

“Kasi ano sila, eh, uhaw na uhaw, eh. Kahit sa Amerika when I got there, galing lang ako roon noong May and June when I did my first tour, ang saya, eh. Parang bumalik na nga sa dati ang lahat. So, I’m excited to do more shows din,” aniya pa.

Bukod sa gustong makapag-record ng bagong kanta, gusto rin ni Randy na makagawa ulit ng pelikula. Pero gusto niya ay isang comedy ulit, na gaya ng pelikulang ginawa nila ng dating karelasyon na si Maricel Soriano noong 1988, ‘yung Taray at Teroy.

At si Maricel ulit ang gusto niyang makasama kung makagagawa ulit ng comedy film.

May concept na nga ako for that. Dahil long time ago na rin ‘yon kaya ‘yung mga anak na namin bale ang parang magkakagustuhan,” excited na sabi pa ni Randy.

Sana nga ay matupad ang wish ni Randy na magkatrabaho ulit sila ni Maricel sa isang comedy film.

About Rommel Placente

Check Also

Rhian Ramos Paolo Contis

Rhian sa pagsasama nila Paolo: Matagal ko na siyang gustong makasama, nagagalingan ako sa kanya

RATED Rni Rommel Gonzales SA unang pagkakataon ay magtatambal sa isang pelikula sina Rhian Ramos at Paolo Contis. …

Cassy Legaspi JK Labajo Darren Espanto

Cassy nagulat, walang alam sa away noon nina JK at Darren 

RATED Rni Rommel Gonzales IKINAGULAT namin na ni wala palang kamalay-malay si Cassy Legaspi na nagkaroon ng mainit …

Barbie Forteza Jak Roberto

Jak nakasisiguro kay Barbie, hindi ipagpapalit sa iba

I-FLEXni Jun Nardo SECURED ang Kapuso hunk na si Jak Roberto sa relasyon nila ng girlfriend na si Barbie Forteza. …

LJ Reyes Paolo Contis Yen Santos

Paolo ipinagtanggol si Yen, ‘di raw siya inagaw kay LJ 

I-FLEXni Jun Nardo INABSUWELTO ni Paolo Contis ang girlfriend na si Yen Santos nang ipalabas ang part 2 ng …

Blind Item, Gay Lovers, matinee idol, male star

Male star na-inlab kay poging actor na ayaw na siyang makatrabaho

ni Ed de Leon ANG totoo pala, talagang nagkagusto ang isang male star na kalabisan naman sigurong …