Blind Item, Male Celebrity

Male personality iwas sa cellphone, feeling pinagkakakitaan

I-FLEX
ni Jun Nardo

TODO-IWAS ang isang kilalang male personality kapag nakatutok sa kanya ang phone na may camera ng isang tao – fan man siya o press o vlogger.

Ang feeling ni personality eh pagkakakitaan siya ng tumututok sa kanya lalo na kapag lumabas ang video niya sa digital channel.

Wala mang social media account ang personalidad pero alam niyang may kinikita sa platform na ito.

Eh mas gusto tila ni personality na bayaran siya kung sakaling kukunan siya ng video, huh! Old school  kasi siya na ‘pag need mo ang serbisyo niya bilang personalidad eh bayaran siya, huh.

Pero mahal naman siyang maningil, huh!