Wednesday , February 28 2024
Enzo Pineda Call Me Papi

Enzo balik feel good movie ayaw muna magpa-sexy

MATABIL
ni John Fontanilla

MASAYA si Enzo Pineda sa kanyang role sa Call Me Papi bilang si Sonny na isang sawi sa pag-ibig and at the same time ay looking for love.

Ayon kay Enzo, “I am happy to be part of this movie kasi I can relate with all the characters in it. May bits and pieces sa mga pinagdaraanan nila na naranasan ko rin.

“But in the end, this is a feel good movie about friendship and family that viewers can easily relate with,” ani Enzo.

At diyan ay iwas muna siya sa paggawa ng sexy movies lalo na’t sunod-sunod ang kanyang pelikula na nagpa-sexy siya at ito rin ang gusto ng kanyang GF na si Michelle Vito.

She says kapag masyado akong na-typecast sa sexy roles, baka hindi na ako kunin for other kind of films and I think that she has a valid point. 

“I understand naman where she is coming from. She’s conservative and just looks after my well being.”

Samantala, naging matagumpay ang  premiere night ng Call Me Papi na maraming tao ang dumalo at nanood.

Maganda ang movie na puwede sa pamilya at barakada.  Kumpletos rekados at may drama, kaunting pa sexy ang boys, kantahan at comedy at higit sa lahat ay may kapupulutang aral kapag pinanood mo ito. Bukod pa sa mahuhusay ang mga actor dito.

Kasama ni Enzo sa Call Me Papi sina Royce Cabrera bilang si Lito, Albie Casino as Ben, Lharby Policarpio as Mario, at Aaron Concepcion bilang  Roy. Directed by Alvin Yapan. Mapapanood sa  December 7, hatid ng  Viva Films at Feast Foundation.

About John Fontanilla

Check Also

Sylvia Sanchez Lorna Tolentino

Sylvia hataw ang tandem kay LT, Nathan Studios mas magiging aktibo ngayong taon

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MAGIGING abalang-abala ngayong taon ang premyadong aktres na si Sylvia …

David Pomeranz When Magic Hurts

David Pomeranz ipinagkatiwala kantang Got to Believe in Magic sa pelikulang When Magic Hurts

I-FLEXni Jun Nardo PUMAYAG ang foreign singer na si David Pomeranz na gamitin ang kanta niyang Got To …

Blind Item, Man Woman Fighting

Actress-host wa na epek ang pamba-blackmail na magpapakamatay kay poging BF

I-FLEXni Jun Nardo ON and off ang relasyon ng showbiz couple na ang babae ay …

Blind Item, Gay Lovers, matinee idol, male star

Batikang showbiz gay nalansi ni poging kontesero na make-up artist din pala

ni Ed de Leon MINSAN talaga ano man ang talino ng matsing, nau-unggoy pa rin. …

Vilma Santos

Ate Vi sa fans — Hindi ako magsasawang bigyan ng priority ang kanilang kasiyahan

HATAWANni Ed de Leon ANO nga ba ang halaga ng isang acting award? Bigyan ka …