Saturday , July 27 2024
SM, BDO treat families of OFWs through Pamaskong Handog 2022 Feat

BDO at SM Supermalls, may pamaskong handog para sa mga OFW

SM, BDO treat families of OFWs through Pamaskong Handog 2022

Nagbabalik ang Pamaskong Handog events ng SM Supermalls at BDO upang maghatid ng saya at natatanging pagdiriwang ng Kapaskuhan para sa mga nagbalikbayang Overseas Filipino Workers (OFWs) at kanilang pamilya ngayong Disyembre.

Naglalakihang pa-premyo, entertainment, at bonding moments kasama ang mga special guests ang dapat abangan sa 2022 Pamaskong Handog na may temang “Kita-kits na muli sa SM”.  Idaraos ito sa SM City Santa Rosa, Laguna sa December 3; SM City Iloilo sa December 10; at SM CDO Downtown Premiere sa December 17, sa ganap na 2PM.

Huwag palagpasin ang espesyal na pagtatanghal ng BDO Remit endorser na si Piolo Pascual, maging ang mga komedyanteng sina MC & Lassy na  magbibigay-katatawanan bilang hosts sa tatlong events. Kasama rin sina Ate Gay at Regina sa SM City Sta. Rosa at SM City Iloilo, at Divine Tetay at Tonton Soriano sa SM CDO Downtown Premiere.

Bilang espesyal na regalo, maraming ekslusibong deals at discounts ang inilaan ng SM affiliates para sa Kabayan Savings account holders. Halos araw-araw ay mayroong discount sa SM sa buong Disyembre! Tuwing Lunes ay may Php300 off sa Miniso; Php500 off sa SM Stores tuwing Martes; 10% off sa Surplus Shop sa Miyerkules; at sa Huwebes naman, may pa-FREE cheeseball sa SM Supermarket, SM Hypermarket, at SM Savemore. May Php500 off din sa Baby Company na nagsimula nitong November 15 hanggang December 31.

Ang BDO naman ay may ongoing promo para sa mga overseas Filipinos at kanilang beneficiaries. Waived fees of up to PHP20,00 sa Home Loan at up to PHP30,000 naman sa Auto Loan. Sa mismong Pamaskong Handog events naman, may chance manalo ng PHP1M worth of insurance coverage mula sa BDO Life, cash prizes, at freebies mula sa BDO Cash Agad at mga espesyal na regalo mula sa BDO Network Bank. 

Maliban sa celebrity shows, may pa-bingo, games at raffle din ang BDO at partner sponsors na Western Union at  WorldRemit. Magbibigay rin ng financial tips sa savings at investment ang BDO para matulungan ang mga overseas Filipinos na iplano ang kanilang kinabukasan.

Papahuli ka ba? Tara na at makisali sa kasiyahang hatid ng SM at BDO. Ipakita lamang ang BDO Kabayan or BDO Network Bank Kabayan ATM card or passbook sa venue. Maaari rin magsama ng isang companion ang Kabayan Savings account holder. 

At para sa mga Pinoy na hindi pa makakauwi sa Pilipinas, huwag mag-alala dahil mapapanood ang livestream ng Pamaskong Handog sa BDO Kabayan Facebook page. Pwede ring bisitahin at makinood sa BDO Remit at BDO Unibank representative offices sa Hong Kong, Japan, Macau, France, at United Arab Emirates.

Mula 2012, naging daan na ang naturang event upang magbigay entertainment at regalo para sa overseas Filipino families taon-taon. Bagamat naging virtual ang selebrasyon dahil sa pandemiya, tuloy-tuloy pa rin na nagbibigay-saya ang BDO at SM sa mga OFW at mga pamilya nitong nagdaang dalawang taon. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang BDO Kabayan Faceboook  www.bdo.com.ph/promos/pamaskonghandog2022 or BDO Kabayan Facebook page. 

About hataw tabloid

Check Also

Binibining Pilipinas PlayTime Binibini

PlayTime sanib-puwersa sa 60th Binibining Pilipinas 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MALUGOD na inihayag ng PlayTime, ang mabilis na lumalagong 24/7 online …

Puregold Cinepanalo Film Festival 2025

2nd Puregold Cinepanalo mas pinalaki, mabibiyayaan ng grant dinagdagan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio  MAS pinalaki, mas pinalawak. Ito tila ang gustong tahakin ng …

SM Prime 2

SM Prime at 30: A legacy of innovation and shared prosperity

Celebrating 30 Years of Transformative Growth: SM Prime Holdings Chairman Mr. Henry T. Sy, Jr. …

Kumu

SM Agency president ipinagmalaki ang Kumu: This is Filipino apps and we are definitely Filipino

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio “WE’RE still here. We’re celebrating our 6th anniversary and we’re …

Marian Rivera Kath Melendez Nekocee

Kath Melendez ng Nekocee na-starstruck kay Marian

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MALAKING challenge para sa production ng Cinemalaya movie ni Marian Rivera, ang Balota kung paano siya …