Friday , April 19 2024

Mayor Biazon Swim Cup nagtala ng kasaysayan

UMABOT sa 1,200 swimmers ang kompirmadong lalahok sa 1st Mayor Ruffy Biazon Swim Cup na nakatakda bukas, 3 Disyembre 2022 sa bagong itinayong Muntinlupa Aquatic Center sa Muntinlupa City.

Sinabi ng organizing Swim League Philippines (SLP) na pinamumunuan ni Fred Ancheta, umabot sa  pinakamataas na bilang ang entry (700) nitong nakaraang linggo ngunit dahil sa kahilingan mula sa mga swim club organisms at pagkatapos ng konsultasyon sa administrasyon ng lungsod ng Muntinlupa pinayagang ma-extend ang pagpapatala.

Kipkip ang modernong kagamitan alinsunod sa FINA world standard, ang Muntinlupa Aquatic Center ay inaasahang magiging sentro ng mga kompetisyon  partikular mula sa mga club na nakabase sa Timog.

Ngayong pa lamang, sinabi ni Ancheta na inaasahang lalagdaan ang isang memorandum of agreement sa Office of the Mayor para gawing opisyal na tahanan ng SLP swimmers at mga kaakibat na club at organisasyon ang naturang Aquatic Center.

“We’re grateful with Mayor Ruffy Biazon for hosting this event. Sa kasabikan ng mga swimmers, coach, at mga magulang na maging bahagi nitong makasaysayang pagbubukas ng world-class swimming pool sa Muntinlupa, ang bilang ng mga kalahok ay umabot ng higit sa aming inaasahan,” ani Ancheta.

“Upang matiyak ang kaligtasan at seguridad ng lahat ng kalahok at mapanatili ang integridad ng mga palaro, nagpasya ang SLP sa pakikipagtulungan ng Youth Affairs and Sports Development Office (YASDO) ng Muntinlupa na isara ang pagpaparehistro. Lagpas na kami sa target namin. Actually, history itong numbers na ito sa local swimming competition,” ani Ancheta.

“Sa sobrang tuwa ni Mayor Ruffy Biazon he will host another event. Sa mga nagnanais na makipagkompetensiya at makaramdam ng karanasan sa Muntinlupa Aquatic Center, maaari kayong sumali sa The Holiday Swim Cup sa 10 Disyembre 2022,” dagdag ni Ancheta.

Ang pagpaparehistro sa mega year-ender event na ito na pinalakas ng Central Northern Luzon CAR Swimming Coaches Association, Solid Coaches Association at ang Swim League Philippines ay bukas at simula na.

Inaanyayahan ang national junior record holder at National mainstay na sina Jasmine ‘Water Beast’ Mojdeh at Jamesrey Ajido para magbigay ng inspirational messages sa mga batang manlalangoy. (HATAW Sports)

About hataw tabloid

Check Also

Philippine athletics TOPS PSC

Philippine athletics meet tatakbo na

Manila — Inilalagay ng Philippine Athletics Track and Field Association ang kanilang pinakamahuhusay na atleta …

BUCAA Bulacan Daniel Fernando

Sa Liga ng Palarong Basketball ng BUCAA  
MAGLARO NANG MAY PUSO — GOV. DANIEL FERNANDO

“MAGLARO kayo nang may puso. Ipakita ninyo ang pagmamahal ninyo sa sports. Tandaan ninyo, ang …

MILO 60th Anniversary

 MILO Philippines kicks off 60TH year celebration;  underpins commitment to grassroots sports development

15 April 2024 | Manila, Philippines – In a celebration event to mark its 60th …

Sambo PH team TOPS Paolo Tancontian Ace Larida

Sambo PH team potensiyal sa int’l arena

KUNG medalyang ginto ang nais ng sambayanan mula sa contact sports, ibilang ang Sambo sa …

Smart Asian Volleyball Confederation Nuvali

Asia’s beach volleyball squads maglalaban sa Smart AVC Beach Tour Nuvali Open

ELITE action returns sa world-class Nuvali Sand Courts sa City of Santa Rosa at ang …