Thursday , February 29 2024
Mel Tiangco MPK Magpakailanman

Mel Tiangco ibinahagi mga istorya sa MPK na tumatak 

RATED R
ni Rommel Gonzales

IKADALAWAMPUNG anibersaryo ng Magpakailanman ngayong 2022 at buong buwan ng Nobyembre ang kanilang month-long celebration.

Sa Sabado ay ipalalabas ang part 2 ng Listen To My Heart: The Maegan Aguilar Story na tampok si Sanya Lopez bilang si Maegan na anak ng music icon na si Freddie Aguilar.

Kasama rito ni Sanya sina Neil Ryan Sese bilang Freddie Aguilar, Dion Ignacio as Oliver, Jason Abalos as Xander, Jon Lucas as Lyndon, JM San Jose as Zion, Noreah Casaljay as Alyssa, Choline Bautista as Mafi, at Shyr Valdez bilang ina ni Maegan.

Ito ay sa direksiyon ni Neal del Rosario.

Sa dami ng mga naipalabas na tunay na kuwento ng buhay sa Magpakailanman o #MPK, ano kaya ang istorya na tumatak sa host na si Mel Tiangco?

“Sa dinami-dami ng genre na itinatampok namin sa ‘Magpakailanman,’ alam niyo naman ‘yan, iba’t ibang story ng buhay talaga ang mapapanood niyo, gusto ko ‘yung genre na nakatutulong sa kapwa.

“Gusto ko ‘yung hindi ka lang na-entertain, hindi ka lang nasiyahan sa istorya, pero nakapaghandog kami sa iyo ng, realization, maybe a sense of inspiration, iyong mayroon kaming ganoon, na naiwan sa iyo, na naiwan sa puso mo, naiwan sa kaisipan mo.

“Na once in a while, na babalikan mo ‘yung, ‘Ah hindi, napanood ko ‘yan sa ‘Magpakailanman,’ ganoon ‘yun eh, ganyan ‘yun, eh.’

“‘Di ba? Hindi ‘yung klase na nanood ka, mamaya wala na, tapos na, nanood ka.

“‘Yung ganoon, ‘no? Gusto ko ‘yung mga istoryang mayroong dala-dalang ganoon.

“In short gusto ko ‘yung naa-uplift ‘yung tao, gusto ko ‘yung talagang mayroon silang matututunan, mayroon silang dadalhin para sa sarili nila,” sabi sa amin ni Tita Mel.

About Rommel Gonzales

Check Also

Maricar dela Fuente

Maricar dela Fuente happy sa takbo ng career, wish maging active ulit sa showbiz

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MASAYA si Maricar dela Fuente sa mga dumarating sa kanyang …

Jo Berry Lilet Matias Attorney At Law

Jo Berry pangarap ng amang maging abogado natupad

RATED Rni Rommel Gonzales LITERAL na napaluha kami habang nagbabalik-tanaw si Jo Berry sa napakasaklap na karanasan …

Dominic Roque Bea Alonzo

Hiwalayang Bea at Dominic pinagma-maritesan ng mga socialite

COOL JOE!ni Joe Barrameda HANGGANG ngayon ay palaisipan pa rin sa mga netizen ang biglang …

Jo Berry

Jo Berry kabado seryeng papalitan napakataas ng ratings

COOL JOE!ni Joe Barrameda  MATAGAL din nawala Si Jo Berry bago nabigyan ulit ng project sa GMA. Bago …

Angelica Jones Angelo

Angelica Jones sumangguni na sa abogado, ama ng anak idedemanda

NANGINGILID ang luhang ibinahagi ni Angelica Jones na tuloy ang laban sa tatay ng kanyang anak. Sa …