Wednesday , February 28 2024
Hajji Alejandro Danny Javier

Hajji may rebelasyon kay Danny ukol sa salitang OPM

RATED R
ni Rommel Gonzales

MAY importanteng rebelasyon si Hajji Alejandro tungkol sa yumaong music icon na member ng APO Hiking Society na si Danny Javier.

“Siyanga pala a little trivia, ‘yung salitang OPM was coined by Danny Javier. Okay? And that came about noong ginawa ko ‘yung album containing ‘Kay Ganda Ng Ating Musika,’ Danny, magkasama kami sa Jem, suggested, ‘Hajji ang gawin nating title ng album mo ‘Strictly OPM!’’

“Sabi ko, ‘Ano yun?’ ‘OPM nakalagay sa ilalim, Original Pilipino Music.’ ‘Uy, maganda yan!’ sabi nina Willy Cruz, mga bossing ng Jem noon.

“So si Danny, kay Danny nagmula at unang nakita ‘yung word na OPM, doon sa third album ko na ‘Strictly OPM’ containing the music ‘Kay Ganda Ng Ating Musika.’

“Utang natin kay Danny ‘yun,” bulalas ni Hajji.

Mapapanood si Hajji sa Mana-Mana Lang, ang concert nila ng anak niyang singer rin na si Rachel Alejandro. Gaganapin ito sa December 9 sa ballroom ng Winford Manila Resort & Casino sa Tayuman, Maynila.

Guest sa concert si Rox Puno, anak naman ng isa pang music icon na si Rico J. Puno.

Ang musical director ng concert ay ang anak din ni Hajji na si Ali ng grupong Mojofly na guest din sa concert.

Ito ay ididirehe ni Vergel Sto. Domingo, si Tony Boy Faraon ng Rotary Club of Manila naman ang producer ng Mana-Mana Lang.

About Rommel Gonzales

Check Also

Sylvia Sanchez Lorna Tolentino

Sylvia hataw ang tandem kay LT, Nathan Studios mas magiging aktibo ngayong taon

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MAGIGING abalang-abala ngayong taon ang premyadong aktres na si Sylvia …

David Pomeranz When Magic Hurts

David Pomeranz ipinagkatiwala kantang Got to Believe in Magic sa pelikulang When Magic Hurts

I-FLEXni Jun Nardo PUMAYAG ang foreign singer na si David Pomeranz na gamitin ang kanta niyang Got To …

Blind Item, Man Woman Fighting

Actress-host wa na epek ang pamba-blackmail na magpapakamatay kay poging BF

I-FLEXni Jun Nardo ON and off ang relasyon ng showbiz couple na ang babae ay …

Blind Item, Gay Lovers, matinee idol, male star

Batikang showbiz gay nalansi ni poging kontesero na make-up artist din pala

ni Ed de Leon MINSAN talaga ano man ang talino ng matsing, nau-unggoy pa rin. …

Vilma Santos

Ate Vi sa fans — Hindi ako magsasawang bigyan ng priority ang kanilang kasiyahan

HATAWANni Ed de Leon ANO nga ba ang halaga ng isang acting award? Bigyan ka …