Thursday , April 18 2024
AKSYON AGAD ni Almar Danguilan
AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

 “You are my under watch!”

AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan

BABALA ito ni bagong talagang Bureau of Fire Protection National Capital Regional (BFP-NCR) Director F/ Chief Supt. Nahum Tarroza sa kanyang mga City Fire Marshal dito sa Metro Manila. Lagot kayo!

Bakit kaya ganito na lamang ang mga binitiwang kataga ni Tarroza? Isa lang ang ibig sabihin nito, malamang sa malamang na may nakararating na impormasyon kay Tarroza na may kakaibang laro na nangyayari sa ahensiya na posibleng kinasasangkutan ng ilang fire marshal.

Kaya, sa mga kolokoy na fire marshal, tumigil-tigil na kayo ha…lalo sa mga may pinaplanong makasisira sa imahen ng BFP -NCR o sa kabuuan ng BFP. Kayo rin, tiyak na may kalalagyan kayo.

Ang babala ay inihayag ni Tarroza sa kanyang talumpati kamakailan sa isinagawang turn-over ceremony sa kanyang tanggapan sa Barangay Pinagkaisahan, Quezon City.

Bagamat wala naman tinutukoy na pangalan sa kanyang  babala si Tarroza, ang kanyang mensahe ay para sa mga bagong upong City Fire Marshal ng Parañaque City na sina F/ Supt. Eduardo A. Loon, na pumalit kay F/ Supt. Bernard T. Rosete; humalili si F/Supt. Mariano S. Taguayam kay F/Crossib B. Cante ng Pasay City, at kay F/Supt. Josephus F. Abrudo, na itinalag sa Malabon City na ang pinalitan ay si F/Supt. Eduardo A. Loon.

Kabilang sa itinalaga si F/Supt. Melchor B. Isidro, na humalili kay dating Las Piñas City fire Marshal Supt. Cristina O. Solero habang si F/Sr. Inps. Eric Gavieres ang pumalit kay F/Chief Insp. Jessie James Q. Samañego sa Pateros Municipality.

Linawin natin, babala pa lamang iyan at wala pa naman tinutukoy si Tarroza na Fire Marshal na sangkot sa anomang katiwalian sa ahensiya. Manilaw ba! Pero, kapag binalewala ng mga fire marshal ang babala at susuungin ang kanilang masamang plano, hindi ito makalulusot kay Tarroza.

Sa kanya pang talumpati, pinasalamatan at pinuri ni Tarroza ang mga dating fire marshal sa kanilang ipinamalas na katapatan at kakayahan sa kanilang tungkulin.

“Being relieved is not a demotion or punishment, kayo ay kinakitaan na nang magandang ginawa na kailangan nang iangat… you have more responsibilities to occupied higher position,” pahayag ni Tarroza.

Sinabi ng bagong BFP -NCR chief, ang mahigpit na tagubilin ni Department of the interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos ay tulungan ang mga negosyante na makabawi sa pagkakalugmok sa negosyo dulot ng COVID-19.

Iyan ang dapat at hind iyong pinahihirapan ang mga negosyante para lamang…alam n’yo na. Lalo na itong mga sinasabing fire building inspectors. Naku po, maraming tirador sa kanila at kinokonsinti ng kanilang fire marshal. Bakit kaya? Ano pa nga ba?

Pero ang lahat ng kalokohan ay tutuldukan ni Tarroza. Kaya, kayong mga tadong inspector, tumigil-tigil na kayo sa estilong pagpapahirap sa mga negosyante.

Heto pa, inatasan din ni Tarroza ang mga bagong fire marshals na huwag nang pahirapan pa ang kanilang mga kliyenteng nagtutungo sa kanilang estasyon na kukuha ng Fire Safety Inspection Certificate (FSIC) permit para makapag-operate ng kanilang negosyo.

“Hindi naman ibig sabihin ay labagin ang ating bagong Implementing Rules and Regulations (IRR) Fire Code bagkus ay humanap ng mga alternatibong kaparaanan na hindi malalabag ang IIR Fire Code of the Philippines,” dagdag ng bagong BFP-NCR director.

Uli, sa mga bagong talagang fire marshal, huwag nang pag-isipan pa ang babala ni Tarroza at sa halip, seryosohin ito dahil hindi nagbibiro ang inyong hepe. Tutuluyan niya kayong kasuhan kapag inyong ipagpilitan ang mga  maling gawain. Ang nais lamang naman ni Tarroza ay panatilihin ang magandang imahen ng ahensiya bukod sa pagsilbihan nang tama at nang marangal ang mga mamamayan gayondin ang mga negosyante.

About Almar Danguilan

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Sinong gustong dumaan sa EDSA Carousel?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa mga nagdududa sa ‘kasagradohan’ ng EDSA Carousel …

Sipat Mat Vicencio

Mayor Abby Binay pasok sa ‘Magic 12’ ng Pulse Asia, hahaha…

SIPATni Mat Vicencio SINO ba naman ang maniniwala sa ginawang survey ng Pulse Asia kamakailan …

Dragon Lady Amor Virata

Ikot-ikot na para sa 2025 local elections

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata IBA’T IBANG pakulo o propaganda na ang sinisimulan ng …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

QCPD nakapagtala ng 82.61% Crime Solution Efficiency sa nagdaang Semana Santa

AKSYON AGADni Almar Danguilan SADYANG hindi maiwasan na saluduhan ang Philippine National Police (PNP) sa …

YANIG ni Bong Ramos

Riders at tricycle drivers, ‘suki’ ng traffic enforcers

YANIGni Bong Ramos KAHABAG-HABAG ang kalagayan ng riders at tricycle drivers dahil sila ay suking …