Thursday , April 25 2024
Juancho Trivino Martin San Miguel Thea Tolentino

Juancho tulay sa pag-iibigan nina Thea at Martin

RATED R
ni Rommel Gonzales

HINDI na kami magtataka kung si Juancho Trivino ang magiging bestman sa kasal nina Thea Tolentino at pilotong boyfriend ng aktres na si Martin San Miguel.

Si Juancho kasi ang tulay o bridge sa dalawa; magkabigan sina Juancho at Miguel (na parehong taga-Laguna) at si Juancho ang nagpakilala kina Thea at Miguel na ngayon ay isang taon na ang relasyon.

Pero ayon kay Thea, wala pa sa plano nila ni Miguel na magpakasal.

Ini-enjoy muna nila ang boyfriend/girlfriend status nila at pareho pa rin naman silang abala sa kani-kanilang career.

Masigla na muli ang ekonomiya ng travel kaya abala si Miguel sa pagpapalipad ng eroplano ng PAL Express at si Thea naman ay si Dahlia sa Mano Po Legacy: The Flower Sisters sa GMA.

About Rommel Gonzales

Check Also

Jerome Ponce Krissha Viaje SemBreak

Jerome huli paghawak sa tuhod ni Krissha 

I-FLEXni Jun Nardo HALATANG malapit sa isa’t isa sina Jerome Ponce at  Krissha Viaje dahil sa mediacon ng coming Viva …

Ice Ganda Vic Sotto Ice Seguerra

Ice sobra-sobra ang pagmamahal kay Bossing Vic kaya nagbihis babae 

I-FLEXni Jun Nardo WALANG guests si Ice Seguerra sa concert niyang Videoke Hits na gagawin sa Music Museum sa …

ABS-CBN AllTV

Kapamilya muling nagpapalaki ng imahe, nakahanap ng kakampi sa AllTV

HATAWANni Ed de Leon NAPANSIN ba ninyo iyong bagong station ID ng Kapamilya channel? Bale …

Bunny maganda na ang buhay, anak na may kapansanan nakakuha ng trabaho

HATAWANni Ed de Leon INAMIN ng dating aktres na si Bunny Paras na hanggang ngayon ay hindi …

JK Labajo pilay

JK Labajo nahulog habang kumakanta

HATAWANni Ed de Leon NAGULAT kami roon sa isang video na napanood namin. Ganadong-ganadong kumakanta …