The Beer Factory Kian Cipriano, Mayonaise, DJ Alondra, Nobita, Loki,JROA, Flow G

Kian, Jroa, Nobita bumida sa pagbubukas ng The Beer Factory

MATABIL
ni John Fontanilla

MATAGUMPAY ang pagbubukas ng bagong hang out ng beer lovers na The Beer Factory sa Eton Centris sa Quezon City.

Grabe ang dami ng taong pumunta na mostly ay mga kabataang magkakatropa na game na game pumalakpak, sumigaw, na talaga  namang nag-enjoy sa performances ng mga invited na guest performers noong Sabado.

Nagsilbing hosts ng event sina Valeen Montenegro at Dianne Medina.

Ilan sa nag-perform ay sina Kian Cipriano, Mayonaise, DJ Alondra, Nobita, Loki,JROA, at Flow G.

Umaapaw ang tao kaya naman nagkabuhol-buhol ang traffic sa daanan papunta sa venue.

Hindi na kami nagkaroon ng chance na makausap ang owner ng place na simple lang ang dating, huh! Gayunman, sa murang edad eh milyonaryo na siya, huh!