Sunday , December 4 2022
Baron Geisler Althea Ruedas Paolo Contis Aga Muhlach

Aga, Paolo sobrang napahanga ni Baron

MA at PA
ni Rommel Placente

NAPANOOD namin ang Netflix movie na Doll House na bida si Baron Geisler, bilang si Rustin, na isang drug addict/musician at si Althea Ruedas, bilang si Yumi na gumaganap na anak niya. Pero hindi nito alam na siya ang tunay ama. Ang pagkaalam ni Yumi ay isa lang niyang baby sitter si Rustin.

In fairness, nagustuhan namin ang pelikula. Naiyak nga kami habang pinanonood ito. Marami kasing mga eksena rito na talagang nakaiiyak. 

At muling pinatunayan ni Baron sa pelikulang ito kung gaano siya kahusay na aktor. 

Lutang na lutang talaga ang pagganap niya sa halos lahat ng eksena niya. At maging si Althea ay mahusay sa movie, huh! Natural siyang umarte.

Maraming mga kasamahan sa industry ni Baron ang pumuri sa kanya, isa na rito ang kaibigan niyang si Paolo Contis. After watching Doll House, sa pamamagitan ng kanyang Facebook account, ay minura nito si Baron, dahil nga sa husay sa pelikula. 

Kaakibat ang litrato ni Paolo na maluha-luha at gulanit ang damit. Hanash niya sa kanyang FB account, “Pun¥€[email protected] ka Baron Geisler ang aga aga para sa ganitong mga emosyon! pati tshirt ko di kinaya yung acting mo! Congrats brother! Proud of you! #DollHouse Netflix #IyakReveal”

Maging si Aga Muhlach, ay impressed sa acting na ipinakita ni Baron nang mapanood sa Doll House. At napahanga rin siya ni Althea, huh! 

Nag-post ng mahabang-mahabang message si Aga sa kanyang Instagram account nang papuri para kina Baron, Althea, at sa lahat ng bumubuo ng nasabing pelikula. 

IG post ni Aga, “DOLL HOUSE!!! You guys nailed it! @baron.geisler taas kamay! Description: 🙌🏼 pinahanga mo ako! Dami ko iyak dito! Galing mo sobra! Sa inyong lahat na bumuo nito.. Mabuhay kayo! D ako muubusan ng sasabihin.. Description: 🙌🏼Description: 🙌🏼Description: 🙌🏼Description: 💯Description: 💯Description: 💯Description: ❤️Description: ❤️ @mavxproductions and that little girl! @althearuedas Amazing! You made me cry as well! You were so good all through out the movie! Description: 😘 congratulations sa inyong lahat! Description: 👏🏼Description: 👏🏼Description: 👏🏼Description: 👏🏼Description: 🥂 Dami ko iniyak dito! Hayuuuf! Haha o siya! Bye! Oh, wait! Director @marlaancheta Description: 👏🏼 take a bow! Description: 🙌🏼 bravo! Description: 👏🏼” 

O ‘di ba, coming from Aga  na isang award-winning actor ay napahanga ni Baron at ni Althea?

Congrats Baron at sa lahat ng bumubuo ng pelikula!

About Rommel Placente

Check Also

Decibel movie

Decibel makapigil-hiningang Korean action movie 

HINDI ko maiwasang hindi mapatili sa maraming tagpo ng isang Korean movie na mapapanood na …

Dr Art Cruzada Ate Gay Queen Eva Salon

Ate Gay bibigyan ng Queen Eva Salon franchise ni Dr Art

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio BONGGA talaga si Dr Arthur Cruzada, may-ari ng Queen Eva Salon …

Rey Paulo Ortiz

Rey Paulo Ortiz ibinahagi sa charity at mga katunggali perang napanalunan sa 2022 Prince Tourism Ambassador Universe 

MATABILni John Fontanilla NAKAMAMANGHA ang 2022 Prince Tourism Ambassador Universe na si Rey Paolo Ortiz dahil imbes na i-enjoy …

Jake Cuenca Baron Geisler

Jake Cuenca ‘di na umiinom, naging motivation si Baron

MATABILni John Fontanilla ISINAPUBLIKO ni Jake Cuenca na isa’t kalahating taon na siyang hindi umiinom ng alak. …

Hajji Alejandro Danny Javier

Hajji may rebelasyon kay Danny ukol sa salitang OPM

RATED Rni Rommel Gonzales MAY importanteng rebelasyon si Hajji Alejandro tungkol sa yumaong music icon na member …