Thursday , April 18 2024
Lolit Solis Bea Alonzo

Lolit Solis nag-sorry na kay Bea Alonzo

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

HUMINGI na ng sorry ang talent manager na si Lolit Solis kay Bea Alonzo. Ito’y matapos ang madalas na pagbatikos nito sa aktres sa kanyang Instagram post na sinasabing nagsimula nang lumipat ang aktres sa bakuran ng GMA 7.

At kahapon matapos ang interbyu sa manager ni Bea na si Shirley Kuan, ilang araw ang nakararaan, humingi ng dispensa si Manay Lolit sa aktres sa pamamagitan ng kanyang IG. Dito’y inamin ng manager na siya lamang ang may kasalanan at hindi dapat isali o idamay ang kapwa namin editor ng isang tabloid na si Salve Asis at ang kolumnistang si Gorgy Rula mga kaibigan ni manay. 

Ani Manay Lolit,  “I Am Very SORRY. Ako lang ang may kasalanan, huwag na ninyo isali sila Salve at Gorgy. At please, tigilan na ninyo ang pagiging plastic, sa buhay, dapat nasa kanan, o kaliwa ka lang.

“Iyon mga nasa gitna, umiiwas lang dahil mga duwag sila na ayaw madamay. Basta ako, alam ko aminin kung tama o mali ako. Hindi ako naging plastic kahit kailan. Bongga.” 

Pero bago ito’y sinabi ni Manay Lolit na nalungkot siya sa mga reaction ng netizens sa tinatawag niyang ‘lover’s quarrel nila ni Bea. Marami rin daw kasi ang nakisawsaw at nagbigay ng kani-kanilang opinyon. Ang iba pa ay mga violent reaction.

Narito ang kanyang pahayag, “Ewan ko kung bakit ako na sad sa nakita ko mga reactions ng tao sa ‘lovers quarrel’ namin ni Bea Alonzo, Salve. Ang dami nang nakisawsaw, sumali, nagbigay ng opinyon, violent reactions.

“Ewan ko kung dahil nag 2nd childhood na ako at pumatol sa mga bashers na nag react ng sabihin ko na hindi bagay sa Start Up PH si Bea dahil story ito ng bagong college graduate at 32 na si Bea.

“Gaga din ako na nairita sa bashing ng mga fans na ang naging biktima sa pagganti ko si Bea Alonzo. Nagka sanga-sanga na ang lahat hanggang pati sila Salve at Gorgy madamay dahil pina cancel sila ni Shirley Kuan sa isang presscon. Hanga ako sa pagtatanggol at pagmamahal ni Shirley sa alagang si Bea.

“Maganda ang manager/talent relationship nila. Lahat ng gulo dahil sa mga nasabi at nasulat ko sa IG.

“Na sad lang ako na dahil sa akin nag resign si Shirley Kuan sa PAMI. Tiyak ko na kahit paano apektado ang mga members.

“Sad ako na itinuturing akong BULLY, dahil kahit kelan hindi naman nabago ang ugali ko. Sad ako na iyon iba kailangan maging plastic dahil gustong ipakita na ayaw nila makisali, pero alam mo na mas matimbang ang loob nila kay Shirley at sa mga kakampi nito.

“Hindi ko gusto na humantong sa pagpili sa kung sino mas gusto mo, si Shirley o si Lolita. Aminado ako na baka OA na ang mga nasulat o nasabi ko about Bea.

“Pero isang bagay na masasabi ko Salve at Gorgy, mas nalungkot ako sa pagdamay ni Shirley Kuan sa inyong dalawa. Overboard na para bang dahil malapit kayo sa akin, dapat kayong idamay ni Shirley Kuan.

“Nagsimula sa akin, dapat sa akin din magtapos. Aminado ako na dahil lang sa pagpatol sa mga bashing ng fans kaya naging sunod sunod ang kagagahan sinulat ko kay Bea Alonzo.

“For that, I Am Very Sorry. Naisip ko na ang tinamaan si Bea Alonzo na puwedeng nasaktan dahil sa mga nasabi at nasulat ko.

“At dahil Mahusay at Matalino ang kanyang manager na si Shirley Kuan, ipinag tanggol niya ang kanyang alaga. At pinaka magandang ginawa niya, ipa cancel ako sa presscon ng Beautiderm. At ang the height, isali sa cancellation sila Salve at Gorgy.

“Brilliant idea, very intelligent move from a very successful number 1 manager, Shirley Kuan. Now, the rest is history.

“Ako na ngayon ang bully. Ako na ngayon ang may sala. To think na favorite loveteam ko ang John Lloyd Cruz at Bea Alonzo. To think na para sa akin isa si Bea sa may pinaka magandang mukha sa showbiz.

“Me and my crooked sense of humor na hindi makuha ng lahat.“

Sa huli may mensahe si Manay Lolit sa mga nakikisali sa issue at iginiit na wala siyang galit kay Bea. 

“Sa mga nakikisali sa issue, wala akong galit kay Bea Alonzo. Kung nasaktan siya, at ang mga nagmamahal sa kanya I AM Very SORRY….”

Bago ang pagsagot ni Shirley sa mga banat ni Manay Lolit, nauna nang nagsabi si Bea na hindi niya nababasa ang mga isinusulat ukol sa kanya. Ipinararating lamang iyon sa kanya. Inirerepesto rin daw niya ito bagamat hindi pa niya nakikilala in person.  At hindi rin siya magsasalita ng masama o laban dito lalo na’t napag-alaman niyang may sakit si Manay Lolit. 

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Rachel aminadong mas mahirap magpasikat ng kanta ngayon

RATED Rni Rommel Gonzales NATANONG namin si Rachel Alejandro sa kung ano ang malaking pagkakaiba ng music …

Atasha Muhlach Daniel Padilla

Daniel at Atasha iniuugnay ng fans

REALITY BITESni Dominic Rea KINIKILIG ako actually sa naglalabasang cropped photos nina Daniel at Atasha Muhlach.  …

Kathryn Bernardo Jericho Rosales Alden Richards

Kathryn pinag-aagawan daw nina Alden at Echo

REALITY BITESni Dominic Rea PAGKARAANG ianunsiyo ni Kathryn Bernardo na she’s already healed after her break-up with Daniel …

Gringo Honasan Ferdinand Topacio Baby Go

Sen Gringo isasapelikula ang buhay

I-FLEXni Jun Nardo NAKATAKDANG gawan ng Borracho Film Production ang buhay ni former Sen Gringo Honasan na hindi pa …

Vilma Santos Ricky Lee Anak CCP UST Ricky Lee

Ate Vi sinipot pa rin screening ng Anak at talkback kahit masama ang pakiramdam

I-FLEXni Jun Nardo MASAMA ang pakiramdam ni Vilma Santos–Recto nang dumalo sa event ng CCP Icons para sa screening …