Ely Buendia EHeads Concert

EHeads reunion concert ticket sold out na 

I-FLEX
ni Jun Nardo

SOLD out na ang tickets sa December reunion concert ng bandang Eraser Heads.

Ibinalandra ng lead singer na EHeads na si Ely Buendia sa kanyang Instagram last Monday na ubos na ang ticket sa kanilang concert.

Matindi ang pagkasabik ng EHeads fans sa kanilang mga idolo at sana eh huwag mabitin ang nakabili ng tickets sa kanilang panonoorin, huh.

Abangers ‘yung wala pang ticket dahil baka maglabas ng tickets na pang-SRO, huh!