Wednesday , June 19 2024
Robin Padilla PNP Police

Robin desmayado sa ‘diskriminasyon’ ng PNP sa hostage-taking kay Ex-Sen. De Lima


NAGPASALAMAT na ligtas si dating Sen. Leila De Lima sa tangkang pag-hostage sa kanya sa Philippine National Police Custodial Center nitong Linggo ng umaga, desmayado si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla sa diskriminasyon na ipinakita ng ilang pulis na nagresponde sa sitwasyon.
               Iginiit ni Padilla, hindi tama ang paggamit ng salitang “Muslim” bilang pantukoy sa mga nagtangkang mag-hostage sa dating mambabatas – at dahil dito, nanawagan siya sa PNP leadership na magkaroon ng edukasyon sa paggamit ng salitang Muslim.

“Ako ay nananawagan sa Philippine National Police na magkaroon ng edukasyon sa paggamit ng salitang Muslim. Discrimination po ito kapag binibigkas ng pulis na ito ang salitang Muslim. Maging parehas po tayo ng trato sa bawat Filipino,” aniya sa kanyang Facebook account.

“Kapag may kidnapper o holdaper o pumatay ng tao hindi man n’yo sinasabi na Kristiyano ito,” dagdag ng mambabatas.

Pinunto ni Padilla ang kumalat na video sa social media kung saan inilarawan ng mga pulis na nagreresponde na “Muslim” ang mga hostage-taker.
               Iginiit niyang hindi ginagamit ang salitang Muslim sa pag-identify ng isang tao, lalo’t may kinalaman sa krimen o terorismo.

“Mainam po na identify ninyo po sila hindi sa kanyang religion dahil walang kinalaman ang religion po rito. Ang batas ay hinubog sa anyo ng hustisya at ipinapatupad ito ng alagad ng batas. Kung ang alagad ng batas ay humusga ng bansag sa isang religion para saan pa po ang babaeng nakapiring ang mga mata at may hawak na timbangan?” aniya.

Nanawagan si Padilla kay PNP Chief P/Gen. Rodolfo Azurin Jr., na pangaralan ang kanyang tauhan.

Diin ni Padilla, ipinagpapanalangin ng mga Muslim ang pagbuti ng kalagayan ng nasugatan na pulis, at ang patuloy na kaligtasan ni De Lima.

“Ipinagpapanalangin po ng mga Muslim ang kagyat na pagbuti ng kalagayan ng nasugatan na bayaning pulis at ganoon din po ang katahimikan ng loob at ang patuloy na kaligtasan ng dating senador na Leila de Lima,” aniya. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

blind item

Male starlet nagbanta kung walang project goodbye produ na

ni Ed de Leon INAMIN ng isang male starlet na ginawa niya ang lahat ng ipinagawa sa …

Navotas tumanggap ng 145 bagong athletic scholars

Navotas tumanggap ng 145 bagong athletic scholars

NAG-ALOK ang pamahalaang lungsod ng Navotas ng scholarship sa 145 Navoteño elementary at high school …

TiboQC Federation Pride March QC Joy Belmonte

300 miyembro ng TiboQC lalahok sa Pride Month

MAHIGIT 300 miyembro ng TiboQC Federation ang inaasahang lalahok sa Pride March sa lungsod sa …

Lunod, Drown

Naligo sa ulan 
8-ANYOS TOTOY PATAY SA CREEK

WALA NANG BUHAY nang matagpuan ng mga rescuer ang katawan ng isang batang lalaki na …

dead gun police

Mangingisda patay sa pamamaril

PATAY ang isang mangingisda matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang salarin sa bahagi ng karagatan …