Saturday , November 26 2022
Gladys Reyes

Moments ni Gladys mas matagal pa sa Mara Clara

MA at PA
ni Rommel Placente

ISA ang Moments hosted by Gladys Reyes Sommereux sa mga show ng NET25 ang talagang tinatangkilik ng televiewers. Consistent na mataas ang nakukuhang ratings nito. Kaya naman umabot na ito sa ere ng 16 years.

Siyempre pa, happy si Gladys na tumagal ng maraming taon ang kanyang show.

“Naalala ko, sabi ni Judy Ann (Santos) dinaig ng ‘Moments’ ang ‘Mara Clara’ sa tagal,” sabi ni Gladys na natatawa.

Ang Mara Clara ay ang defunct series ng ABS-CBN na pinagbidahan nina Gladys at Judy Ann Santos noong mga teen-ager pa sila. Tumagal ito sa loob ng 5 taon sa telebisyon.

Patuloy niya, “Nagpapasalamat ako kasi ‘yung suporta sa akin ng  NET25, our bosses, ngayon nga po na new season, I’m very grateful kasi nandoon pa rin ‘yung pagpapahalaga nila roon sa programang ‘Moments.’ 

“May personal touch ako sa programang ‘yan, napakalapit sa puso ko niyan. Kaya po malaking bagay na hanggang ngayon sinusuportahan po nila ako,” ani Gladys.

Marami nang nai-guest si Gladys sa Moments, sino pa ba ang gusto niya na hindi pa niya naige-guest?

“Actually until now ang hindi ko pa naige-guest ay si Sen. Manny Pacquiao. Pero natutuwa ako kasi ang dami ko na pong nai-guest sa show na talaga namang malaman ‘yung aming mga kuwentuhan. And we got to know them up close and personal.

“Kahit ‘yung mga public servant na nai-guest ko po, hindi kami more on politics, ‘yung pinag-uusapan sa ‘Moments,’ kundi family, ‘yung ibang side nila na hindi pa nakikita ng mga tao.

“So ‘yun po ‘yung kagandahan sa ‘Moments.’

“Siguro isa po si Sen. Manny and of course marami pa rin naman po. Although thankful po tayo na ang dami nating nakasama sa ‘Moments’ for 16 years,” pagbabahagi pa ni Gladys.

Ang Moments ay napapanood tuwing Linggo, 4:00 p.m..

Samantala, magiging bahagi na rin ng NET25 family ang batikang broadcast-journalist na si Korina Sanchez Roxas, dahil mapapanood na rin network ang kanyang pinakabagong lifestyle show na Korina Interviews. Magsisimula ito sa October 2, Sabado, 5:00 p.m..

About Rommel Placente

Check Also

A Mermaid For Christmas Arsi Grindulo Jr

Pelikulang Pamasko aarangkada na sa mga sinehan

COOL JOE!ni Joe Barrameda CHRISTMAS is in the air na talaga after malaman namin ang …

Nadine Lustre Louise delos Reyes McCoy de Leon Mikhail Red

Nadine, Louise, McCoy mananakot sa Deleter

COOL JOE!ni Joe Barrameda ISANG horror movie ang Deleter na pinagbibidahan nina Nadine Lustre, Louise delos Reyes, at McCoy …

Allan K Maja Salvador Jose Manalo Wally Bayola Maine Mendoza Arjo Atayde

Bagong negosyo ni Allan K sinuportahan ng EB Dabarkads

I-FLEXni Jun Nardo SUMIGLANG muli ang Sunshine Blvd, compound nang magbukas nitong nakaraang araw ang Clowns …

Ruffa Gutierrez 2

Pagiging politiko ‘di pinangarap ni Ruffa — First lady ang gusto ko!

I-FLEXni Jun Nardo WALANG balak si Ruffa Gutierrez na pasukin ang politika. “First Lady ang gusto ko. …

Blind Item, Gay For Pay Money

Dating male star P5k kapalit ng scandal video

ni Ed de Leon “MAGPAPADALA po ako ng video ko, kita mukha ko, kita lahat-lahat. …