Julie Anne San Jose Dennis Trillo Barbie Forteza

Barbie at Julie Anne bibida sa isang kakaibang serye

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

ISANG kakaibang teleserye ang malapit nang mapanood sa GMA, ang Maria Clara At Ibarra na pinagbibidahan nina Barbie Forteza at Julie Anne San Jose kasama si Dennis Trillo

Isang Gen z Nursing student si Barbie na gustong sa ibang bansa magtrabaho. Isang araw paggising Barbie ay mapapadpad ito sa mundo ng Noli Me Tangere ni Jose Rizal. Doon magtatagpo ang pandas nila ni Julie Anne at doon makikita ang magkaibang ugali komo magkaiba ang pinaggalingan nila.

Magandang kuwento kaya abangan ninyo soon. Mapapanood natin ‘yan bilang kapalit ng Lolong sa GMA.