Wednesday , October 5 2022
Toni Gonzaga Willie Revillame AMBS AllTV

Pagbubukas ng ALLTV trending; Willie namigay agad ng bahay at lupa

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

MATAGUMPAY ang unang pagsasa-ere ng ALLTV noong Setyembre 13 sa pamamagitan ng kanilang news at entertainment program na ang unang pasabog ay ang no holds barred interview ni Toni Gonzaga kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. kasama ang 2.5-hr na variety show; at ang pagbabalik-TV ni Willie Revillame sa pamamagitan ng kanyang show na Wowowin. 

Trending ang unang sabak sa ere ng ALLTV, ang broadcast station ng Advanced Media Broadcasting System (AMBS) sa Twitter na may hashtags na #ALLTVSayaAll, #ALLTVChannel2, #Wowowin, at #ToniTalkswithBBM. Kasabay ng unang ere ang paglulunsad din ng kanilang upbeat station ID sa digital at analog channels, gayundin sa kanilang social media accounts.

Ani Maribeth Tolentino, presidente ng AMBS, na ang kanilang paglulunsad ay masasabi niyang ‘breaking barriers’ dahil sa massive presence ng airwaves at social media.  

We have just started and we are actually still working to have good shows for your TV experience. This is just the beginning of many more surprises,” giit ni Tolentino.   

Pinag-usapan din agad ang ALLTV dahil sa mga naging sagot ni PBBM sa maraming issue, tulad ng kung ano naramdaman niya sa pagbabalik sa Malacanang pagkaraan ng 36 taon simula nang mapaalis sila dahil sa  People Power 1; ang kanyang drug campaign, death penalty, at ang “historical revisionism” sa exclusive interview niya kay Toni para sa show nitong Toni Talks.

Ani Marcos nahati ang bansa dahil sa politics “We lost sight in many ways on national interest. We only talked about partisan (politics).” 

Idinagdag pa ng Pangulo na, “I’ve learned this a long time ago: performance is the best politics.  

“That’s what the people remember.”  

Sa kabilang banda, maraming celebrities ang nakiisa sa pagsasahimpapawid ng ALLTV. Nagbigay ng kanilang live performances sina DJ Loonyo, Mannex Manhattan, at Nik Makino sa Palazzo Verde sa Vista Alabang, at sa studio sa Wil Tower sa Quezon City na roon napanood sina Willie at Toni na siyang nagbukas noong Setyembre 13,  ng 12 ng tanghali.  

Sinabi nina Willie at Toni na  handang makapagbigay-saya, excitement at pag-asa sa mga manonood ang AllTV. 

Nakiisa rin sa opening sina Ruffa Gutierrez, Mariel Rodriguez, Ciara Sotto, Julia Barretto, at Ella Cruz na namigay ng cash. Kasama rin nila ang internet sensation na si Donnalyn Bartolome.

Napanood din ang singer at TV Host na si Randy Santiago na siyang nag-host ng   Instajam mula 2:30 p.m. hanggang  4:30 p.m. kasama ang South Border gayundin sina  Jinky Vidal, Kris Lawrence, Luke Mejares, Kim Molina, Katrina Velarde, at Janine Teñoso na nagbigay ng kanilang mga live performances

Present din ang multi-awarded TV at film director na si Paul Soriano.

At siyempre hindi kompleto ang show ni Willie kung hindi siya mamimigay. Isang lucky caller ang nabigyan ng bahay mula sa  Bria and Lumina.  

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Floyd Mayweather AQ Prime 2

Floyd Mayweather walang balak mag-artista   

COOL JOE!ni Joe Barrameda LINGID sa kaalaman ng iba ay tahimik na dumating dito sa …

Genesis Gallios

Bagong production ni Genesis Gallios inilunsad 

MA at PAni Rommel Placente NAGING matagumpay ang birthday show/dinner ng tinaguriang Queen of the …

Barbie Imperial

Barbie sa netizens: Bakit ako naging malandi? ‘Hindi ako laspag?

MA at PAni Rommel Placente SINAGOT ni Barbie Imperial ang mean comments sa kanya ng ilang netizens, …

Genesis Gallios Vin Abrenica

Vin tinitilian pa rin kahit tatay na; Genesis pasabog ang drag costumes                          

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio SOSYAL NA SOSYAL  ang katatapos na birthday celebration ng entertainment guru …

Floyd Mayweather AQ Prime

Docu ni Mayweather ilalabas sa AQ Prime; wala lang lovelife

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio INILUSAD ng AQ Prime streaming platform bilang kanilang bagong mukha ang American …