Friday , December 8 2023
Diego Loyzaga Franki Russel

Diego Loyzaga nag-all the way na sa Pabuya

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

BUMIGAY na si Diego Loyzaga. Ito ang inamin ng aktor sa media conference ng kanyang bagong pelikula sa Vivamax, ang Pabuya na katambal ang dating Pinoy Big Brother housemate na si Franki Russel.

Pag-amin ni Diego, ang Pabuya ang maikokonsidera niyang pinaka-wild na pelikulang nagawa niya sa bakuran ng Viva Films na pinamahalaan ni Phil Giordano.

Anang aktor, wala siyang naging limitasyon sa pelikula.

“But I have to say, even for me, ito na siguro ang pinaka-wild na nagawa ko na movie. I was like, you know what, if we’re gonna do this, might as well go all the way.

“It was fun and it’s cute working with her (Franki) because there’s so many things that she doesn’t know yet,” ani Diego. “Kinakapa-kapa pa niya ‘yung mga ibang bagay, lalo na ‘yung love scenes, they’re difficult to shoot.

“She was like, ‘Is this normal? Is this okay?’ and we have naman Direk Phil to guide us. Another good thing is our director of photography was female so hindi nakakailang masyado,” sambit pa ng aktor.

Nag-enjoy din katrabaho ni Diego si Franki, “It’s always a good time being around Franki’s presence. It was definitely an experience, it was great and it was fun coz I kinda saw myself back in the day when I didn’t know much Tagalog.”

Suwerte namang matatawag ni Frankie na nakatrabaho niya si Diego.  “He’s a very experienced actor so I learned a lot. It was very fun.

“I definitely feel really ready. I think hindi na ako bata, and I felt excited and hungry for the role. When I read the script, I thought napakagandang story.

“I’ve always felt really confident with my body, if you got it, flaunt it,” aniya pa.

Sinabi pa ni Frankie na talagang pinaghandaan niyang mabuti ang sex scenes nila ni Diego.

“It’s important to trust who you’re working with, and I just trusted the process,” anang dalaga. 

Mapapanood na sa Vivamax ang Pabuya simula sa October 7.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Kimson Tan

Kimson Tan inalok P1-M ng isang bading para sa isang dinner date

RATED Rni Rommel Gonzales GUWAPO, makinis, matangkad, at hunky ang Sparkle male star na si Kimson …

Ynna Asistio Yana Asistio

Ynna at Yana naisakatuparan pangarap na restoran

RATED Rni Rommel Gonzales EXCITED si Ynna Asistio dahil very successful ang season 1 ng kanyang Youtube vlog na Behind …

Diane De Mesa TVC8 Annual Awards

Concert ni Diane De Mesa at TVC8 Annual Awards 2023 matagumpay

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang katatapos na konsiyerto ni Diane de Mesa last December 4 na ginanap …

Alden Richards Wize Estabillo

Alden walang ka-ere-ere kahit sikat na sikat 

MATABILni John Fontanilla HINDI naiwasang ma-starstruck ng Bidaman at It’s Showtime Online host, Wize Estabillo nang makita ng harap-harapan si Alden Richards. …

Ram Castillo Mommy Merly Perigrino

Solo concert ni Ram Castillo tuloy na tuloy

MATABILni John Fontanilla MASAYANG-MASAYA ang baguhang singer na si Ram Castillo dahil pagkatapos mailunsad ang kanyang kauna-unahang single, …