Friday , October 7 2022
nbp bilibid

84 PDLs sa Bilibid nagtapos ng pag-aaral

MATAGUMPAY na naisagawa ng Bureau of the Corrections (BuCor) sa pakikipag-

ugnayan sa University of Perpetual Help Dalta ang 33rd  Commencement Exercise ng mga person deprived of liberty (PDL) sa Medium Security Compound, New Bilibid Prison Reservation, sa lungsod ng Muntinlupa .

Ang nasabing pagtatapos ay binubuo ng 84 PDL, ang 21 ay nagtapos sa kursong Bachelor of Science in Entrepreneurship Program.

Habang ang 63 PDL ay nagtapos sa Senior High School Program.

Binigyan-diin ni Department of Justice (DOJ) Undersecretary Deo Marco, ang BuCor ay patuloy na magbibigay ng pag-asa sa mga PDL sa iba’t ibang programa para sa kanilang repormasyon.

Aniya ang pagbibigay ng dekalidad na edukasyon sa mga PDL upang ito’y kanilang magamit hindi lamang sa kanilang sariling pag-unlad, bagkus, maging isang mabuting mamamayan pagdating sa araw ng kanilang paglaya.

Nagpapasalamat si BuCor Director General, Undersecretary Gerald Q. Bantag sa mga stakeholder na walang sawang sumusuporta sa programang repormasyon ng BuCor para sa mga PDL. (GINA GARCIA)

About hataw tabloid

Check Also

100622 Hataw Frontpage

SPD may namumuong lead
AMBUSH NG BETERANONG BROADCAST JOURNALIST INAASAHANG MAY RESULTA SA LOOB NG 24-ORAS

ni MANNY ALCALA IPINAHAYAG ng Southern Police District (SPD) na nakakuha na sila ng lead …

gun shot

Nagdala ng ‘boga’ sa paaralan, binatilyo dinakip

INARESTO ng mga awtoridad ang isang binatilyong mag-aaral sa bayan ng Marilao, lalawigan ng Bulacan …

prison rape

2 rapists sa Bulacan  deretso sa rehas

NAGTULONG-TULONG ang mga awtoridad sa pag-aresto sa dalawang akusado sa kasong panggagahasa sa lalawigan ng …

shabu drug arrest

MWP, kinakasama timbog sa droga

ARESTADO ang isang lalaking pinaghahanap ng batas kasama ang kanyang live-in partner na nakialam sa …

Percy Lapid Kabataan Party-list

Pagpaslang sa beteranong broadcast journalist  ‘di pinalampas ng Partylist

MARIING kinondena ng Kabataan Partylist ang pagpaslang kay Percival Mabasa, o mas kilala bilang Percy …