Wednesday , December 6 2023
Sahil Khan Julia Barretto

Sahil Khan, di makapaniwalang bahagi ng Carlo Aquino-Julia Barretto movie

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

IBINUKING ng manager ni Sahil Khan na si Jojo Veloso na masayang-masaya ang Filipino-Afghan aktor, na animo raw nasa cloud 9. Ang rason? First time napanood ni Sahil ang sarili sa big screen. Ito’y sa Red Carpet Premiere Night ng pelikulang Expensive Candy, sa SM North EDSA The Block.

Tampok dito nina Carlo Aquino at Julia Barretto at boyfriend-sugar daddy ni Julia ang role ni Sahil sa pelikula na showing na sa mga sinehan ngayong Sept. 14, nationwide.

Ipinahayag ni Sahil na sobrang saya niya matapos mapanood ang kanilang pelikula. “Super-masaya, sobra-happy that my face is already at cinemas, na part na ako ng film industry dito. Ang nafi-feel ko habang nanonood ng Expensive Candy… feeling unbelievable po talaga.”

Aniya, “Yes, its first time that my movie ay napalabas on cinema and I’m so happy…  super-thankful to God and then to Julia that she choose me for her film at nakasama ko siya sa mga eksena rito.”

Last na napanood si Sahil ay sa Sitio Diablo na showing na sa Vivamax, pero mas maganda ang role niya sa Expensive Candy.

Ang Viva contract artist na si Sahil ay pinuri rin ang kabaitan ni Julia.

“Sa premiere night ng movie, she showed me her respect and love, kasi I thought maybe nakalimutan na niya ako after ng aming shooting ng movie na ito. But when she saw me at the cinema, automatic she hugged and say hello to me.

“I really appreciate it that she still know my name and my face po,” masayang pakli ni Sahil.

“We had about five minutes of conversation and nag-congrats siya sa akin, nag-selfie kami ni Julia, at nag-welcome siya sa akin sa showbiz. So, I really appreciate her kindness kahit ako‘y newcomer in the showbiz industry,” nakangiting esplika ni Sahil.

About Nonie Nicasio

Check Also

Shawie sa ireretong babae kay Alden: She must be smart and independent woman

ni Allan Sancon ISA sa mga excited mapanood ng mga netizen ngayong Metro Manila Film Festival 2023 ang …

Mallari Piolo Pascual

Piolo ibinaon sa lupa aminadong nahirapan sa Mallari 

ni Allan Sancon HINDI pa man ipinalalabas ang pelikula ni Piolo Pascual na Mallari ay pinag-uusapan na ito dahil …

Robb Guinto

Robb handang mag-frontal kung kinakailangan sa pelikula

RATED Rni Rommel Gonzales MAGKAPATID sina Robb Guinto bilang Erlinda at Vince Rillon sa kuwento ng Vivamax film na Araro. Bakit Araro ang title …

Gladys Reyes Judy Ann Santos

Gladys aayusin concert nila ni Judy Ann

RATED Rni Rommel Gonzales PANALO ang idea ni Gladys Reyes na magkaroon sila ng concert ni Judy Ann …

FEU-ABMC Batch 91 Charity events Christmas Party

Charity events/ Christmas Party ng  FEU-ABMC Batch ‘91 matagumpay

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang kauna-unahang charity ng FEU-ABMC Batch ‘91 na may temang CHRISTmas  With You  sa pangunguna …