Friday , October 7 2022
Maricel Soriano Vice Ganda

Maricel takbuhan si Vice Ganda kapag gustong umiyak

MA at PA
ni Rommel Placente

NAPANOOD namin ang latest vlog ng hinahangaang aktres na si Maricel Soriano. Ang topic o pinag-usapan ay tungkol sa kanyang mga first, na ang title ay Game of First. Ang nagtatanong sa kanya ay ang manager niya na si Biboy Arboleda, pero boses lang nito ang naririnig, hindi siya on cam.

Sa unang tanong sa Diamond Star na kung ano ang kanyang first movie, ang sagot niya ay, “First movie na ginawa ko, under Sampaguita Picture, ang title niyong movie ay ‘My Heart Belongs To Daddy’ starring Ben Medina, Norma Blanca Flor, Aurora Salve and Snooky, directed by Mar S. Torrez. sixteen years old lang ako noon.”

Si Maricel ay gumanap na nakababatang kapatid ni Tirso Cruz III sa pelikula na namatay.

Sa tanong naman kung ano ang kanyang first series na nagawa ay hindi na maalala ni Maricel. Pero sa pagkakatanda ko, since isa akong Maricelian, ang unang serye na ginawa niya ay ‘yung Vietnam Rose ng ABS-CBN 2.

Ang first onsceen kiss niya ay ang dating ka-loveteam at karelasyon na si William Martinez sa pelikulang Kaya Kong Abutin Ang Langit mula sa VH Films.

Hindi naman sinagot ni Maricel kung sino ang first off screen kiss niya. Katwiran niya na natatawa ay bading na raw kasi ito ngayon.

Sa tingin namin ay artista ang tinutukoy ni Maricel kaya ayaw niya itong pangalanan.

Ang unang kaibigan na gusto niyang tawagan o i-text kapag gusto niyang umiyak ay si Vice Ganda na itinuturing niyang anak-anakan sa showbiz.

May drama kasi siya sa buhay na kapag malungkot siya ay naiisip niyang magpakamatay. Isang tawag niya lang niya kay Vice noon ay pumunta na ito agad sa bahay niya na naka-costume pa. At kinausap siya ng komedyante.

About Rommel Placente

Check Also

Sean de Guzman

Sean kinakarma ng blessings

HARD TALKni Pilar Mateo KARMA is real. Para sa masasabing baguhan pa rin sa pinili …

Rabiya Mateo Jeric Gonzales

Jeric at Rabiya nagyakapan nang magkita sa GMA 

RATED Rni Rommel Gonzales SPEAKING of kilig, kilig din ang hatid ng recent guesting ng Start-Up …

Miguel Tanfelix Ysabel Ortega

Miguel-Ysabel’s kissing video trending

RATED Rni Rommel Gonzales TRENDING ngayon ang kissing video ng What We Could Be stars na sina Miguel …

Miggy Jimenez Paolo Pangilinan Cedrick Juan

Miggy, Paolo, Cedrick panalo ang three-some

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio KAPURI-PURI ang galing ng isa sa bida ng Two And One ng Vivamax at IdeaFirst na …

Piolo Pascual Paulo Avelino

Piolo, Paulo nalampasan expectation ng netizens sa Flower of Evil

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio AMINADO ang limang bida ng Flower of Evil na hindi madali ang …