Wednesday , February 28 2024
Juliana Parizcova Segovia Johnrey Rivas Vince Tañada

Juliana Segovia idedemanda ng producer ng Katips

MATABIL
ni John Fontanilla

TULOY na tuloy na ang demanda sa komedyanteng si Juliana Parizcova Segovia dahil sa panlalait nito sa 2022 Famas Best Supporting Actor Johnrey Rivas, Best Actor at Best Director ng Katips na si Direk Vince Tañada.

Ayon kay Direk Vince ang kasosyo niya at isa sa producer ng Katips ang nagsampa ng kaso kay Juliana para mabigyan ito ng leksiyon sa ginawang paninira at pagkakalat ng fake news sa social media.

Pero kahit nasasaktan sina Johnrey at direk Vince sa mapanirang tsismis at intriga na ikinakabit sa kanilang pangalan at sa kanilang pelikula ay mas lalo silang nagiging matibay at matatag.

Bukod sa intrigang kinakaharap ni Direk Vince ay ikinuwento rin nito na sandamakmak ang death threats na natatanggap niya dahil sa kanyang pelikulang Katips pero deadma lang siya at hindi natatakot.

Sa ngayon ay pinaghahandaan ni Vince kasama ang ilan sa kanyang artist sa Katips para sa kanilang World Tour na magsisimula ngayong September at magtatapos ng December 2022 at magpapatuloy hanggang 2023.

Una nilang pupuntahan ang Dubai sa Setyembre 13; Abu Dhabi (Sept 14); Kuwait, UAE, Bahrain, Oman (Sept 15-22);

Tokyo, Japan (Sept 19); Auckland Wellington (Sept 18);  Melbourne (Oct 1); Adelaide (Oct 2); Brisbane at Gold Coast (Oct 5); at Sydney (Oct 8).

Magtutungo rin sila sa Spain, UK, Germany, Switzerland, Italy, USA, Canada,  at HongKong.

About John Fontanilla

Check Also

Maricar dela Fuente

Maricar dela Fuente happy sa takbo ng career, wish maging active ulit sa showbiz

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MASAYA si Maricar dela Fuente sa mga dumarating sa kanyang …

Jo Berry Lilet Matias Attorney At Law

Jo Berry pangarap ng amang maging abogado natupad

RATED Rni Rommel Gonzales LITERAL na napaluha kami habang nagbabalik-tanaw si Jo Berry sa napakasaklap na karanasan …

Dominic Roque Bea Alonzo

Hiwalayang Bea at Dominic pinagma-maritesan ng mga socialite

COOL JOE!ni Joe Barrameda HANGGANG ngayon ay palaisipan pa rin sa mga netizen ang biglang …

Jo Berry

Jo Berry kabado seryeng papalitan napakataas ng ratings

COOL JOE!ni Joe Barrameda  MATAGAL din nawala Si Jo Berry bago nabigyan ulit ng project sa GMA. Bago …

Angelica Jones Angelo

Angelica Jones sumangguni na sa abogado, ama ng anak idedemanda

NANGINGILID ang luhang ibinahagi ni Angelica Jones na tuloy ang laban sa tatay ng kanyang anak. Sa …