Friday , September 30 2022
female blind item 2

Beteranang aktres nagtatalak dahil sa mainit na tubig

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

NAKU nagwala na naman daw ang isang beteranang aktres sa isang taping. Marami daw ang nakarinig sa pagwawala ng aktres dahil lang sa mainit na tubig. 

Hindi raw nasiyahan ang aktres sa temperatura ng mainit na tubig mula sa shower ng kanyang banyo. Hindi lang nasolusyonan agad ang reklamo niya ay nagtatalak daw ito at inaway ang mga hotel staff. 

Sa tingin naman ng iba ay okay daw naman ang hot water. 

Hindi kaya kumukulong tubig ang ipinaliligo nito sa kanyang katawan?

 Para matigil na ay binigyan daw ng isang balde at water heater ang aktres at para siya na ang magpakulo ng pampaligo niya.

Hiyang-hiya raw ang mga boss ng teleserye at humingi ng dispensa sa inasal ng aktres. Mababait daw kasi ang mga hotel staff na nag-aasikaso sa kanila.

About Joe Barrameda

Check Also

Barbie Imperial Carlo Aquino Trina Candaza

Barbie sa bintang na dahilan ng hiwalayang Carlo-Trina: Parang ‘yung mga tao gigil na gigil maging kabit ako ‘no? 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio TILA nanggigigil si Barbie Imperial sa mga netizen na nagbibintang sa kanya …

Blind Item, Man Woman Fighting

Provincial tour’ ni male star buking ni GF aktres

ni Ed de Leon NA-SHOCK ang isang aktres nang malaman niyang ang kanyang boyfriend na male …

Vhong Navarro Ogie Diaz

Ogie ibinuking: Vhong dineadma ng isang kaibigan

MA at PAni Rommel Placente SABI nga, kapag ang isang tao ay gipit o may …

Polo Ravales

Polo sobrang naiyak nang tamaan ng Covid ang buong pamilya

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 27 ay 40th birthday ni Polo Ravales. Supposedly, magkakaroon siya ng …

Sean de Guzman

Sean nakapagpundar na ng bahay at lupa

REALITY BITESni Dominic Rea SA magkasunod na buwan ay dalawang International trophy ang nasungkit ni Sean …