Saturday , October 1 2022
shabu

2 drug suspects nasakote sa P.5-M droga

KALABOSO ang dalawa katao nang maaresto sa ikinasang buy bust operation ng Taguig Police, nasamsaman ng higit P500,000 halaga ng hinihinalang shabu sa Barangay New Lower Bicutan, Taguig City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Southern Police District (SPD) Acting Director P/Col. Kirby John Brion Kraft ang mga suspek na sina Zenorin Midtimbang, alyas Jenorin, driver, 41, at Johari Candot Taup, 22, college student.

Ayon sa ulat, dakong 9:00 pm, 2 Setyembre 2022 nang makabili ang poseur buyer sa mga suspek,  kasabay ng pagkakakompiska ng 29 plastic sachet ng shabu, boodle money, at isang genuine P1,000 bill.

Nasa 85 gramo ang kabuuang dami ng shabu na nagkakahalaga ng P 578,000.

Ang dalawang inaresto ay isinailalim sa inquest proceedings sa Taguig Prosecutor’s Office dahil sa paglabag sa sections 5 at 11 (pushing at possession) ng Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002). (GINA GARCIA)

About Jaja Garcia

Check Also

Bulacan Police PNP

Bulacan police umiskor
MAHIGIT 765K HALAGA NG DROGA NAKUMPISKA, 15 DRUG SUSPEK NALAMBAT AT 6 NA LAW OFFENDERS NAI-HOYO

TINATAYANG aabot sa mahigit 765K halaga ng iligal na droga ang nakumpiska habang 15 drug …

Dagdag na benepisyo hiling ng pamilya ng mga nasawing rescuers sa Bulacan

Dagdag na benepisyo hiling ng pamilya ng mga nasawing rescuers sa Bulacan

NANAWAGAN ang mga kamag-anak ng ilan sa mga nasawing rescuer sa Bulacan ng dagdag na …

shabu

3 tulak sa Gapo nasabat
MAHIGIT P1-M HALAGA NG SHABU, NAKUMPISKA

 MAHIGIT  P1-M halaga ng iligal na droga ang nakumpiska ng mga awtoridad habang tatlong tulak …

FRIENDSHIP route sticker las pinas

Sa Las Piñas
72-ORAS TRO PABOR SA ‘FRIENDSHIP ROUTE’ PINALAWIG NG KORTE

ISA PANG DAGOK sa bagong administrasyon ng BF Resort Village Homeowners Association, Inc. (BFRVHAI) ang …

Zasa Aliman Stone Hope Company Diesel

Oil importer dudulog sa Malacañang dahil sa pagbasura ng DOE sa kanilang aplikasyon

DUDULOG sa Office the President (OP) ang isang oil importer kaugnay sa hinalang pagbasura ng …