Saturday , July 27 2024
Maribeth Tolentino Paul Soriano Toni Gonzaga Paolo Villar Willie Revillame

Toni G mapapanood na sa AMBS; Wowowin ni Willie aarangkada na

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

PUMIRMA na ng kontrata ang ultimate multi-media star, singer, TV host at actress na si Toni Gonzaga gayundin ang multi-awarded film director, scriptwriter at producer na si Paul Soriano sa Villar Group’s Advanced Media Broadcasting System Channel 2 (AMBS) noong September 1, 2022.

Ikinasiya at mainit ang naging pagsalubing ni Prime Asset Ventures na si Manuel Paolo Villar sa mag-asawa at iginiit na layunin bn kanilang network na itaas ang antas ng  viewing experience ng mga Pinoy.

AMBS aims to redefine the broadcast media industry with quality TV programs and exciting entertainment shows that will focus on giving our viewers new TV experiences,” ani Villar.

Bukod kay Villar dumalo rin sa pirmahan si AMBS President Maribeth Tolentino.

We are happy about the partnership with Ms. Toni Gonzaga and Mr. Paul Soriano. Our team is raring to work with them to give our viewers awesome shows to always look forward to,” sambit naman ni Tolentino.

You will be surprised with what we have in store for all of you,” susog naman ng aktres/host sa isinagawang pirmahan at ipinangakong makaaasa ang mga manonood ng mas malalim at interesadong talk show mula sa kanyang production.

Ang PAVI ang parent company ng AMBS, ang premiere broadcast media station ng Villar Group na ang layunin ay makapagbigay sa mga Filipino ng relevant TV program at best entertainment shows.

Sa pagpasok ng Villar Group sa broadcasting industry, dinala ng AMBS ang kanilang trademark sa pagbibigay ng maganda at maayos na experience tulad ng mga ginagawa at ibinabahagi na ng ia pang negosyo ng mga  Villar tulad ng pabahay, retail o public utilities, at ngayon nga ang broadcasting.

At bilang parte ng kanilang grand opening, ang versatile Filipino TV host, comedian, singer, songwriter, actor, at businessman na si Willie Revillame na nauna nang pumirma ng kontrata sa TV network, ay magbabalik na sa national broadcast television l sa pamamagitan ng kanyang sikat na sikat na variety game show, ang Wowowin sa AMBS. 

Kaya abangan ang pag-arangkada ni Willie sa AMBS.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Ruru Madrid Coco Martin

Ruru gagayahin si Coco magdidirehe at magpo-produce

RATED Rni Rommel Gonzales NADISKUBRE namin na may ambisyon pala si Ruru Madrid na maging isang producer. …

Binibining Pilipinas PlayTime Binibini

PlayTime sanib-puwersa sa 60th Binibining Pilipinas 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MALUGOD na inihayag ng PlayTime, ang mabilis na lumalagong 24/7 online …

Puregold Cinepanalo Film Festival 2025

2nd Puregold Cinepanalo mas pinalaki, mabibiyayaan ng grant dinagdagan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio  MAS pinalaki, mas pinalawak. Ito tila ang gustong tahakin ng …

Quinn Carillo Christine Bermas Itan Rosales Kaskasero

Christine Bermas at Itan Rosales, unang nagkatikiman sa pelikulang Kaskasero

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio UNANG nagkasama sa isang project sina Christine Bermas at Itan …

Mark Anthony Fernandez Mariane Saint Carby Salvador

Mark Anthony bokya kay Mariane

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio HINDI issue kay Mark Anthony Fernandez kung nagpapakita siya ng skin sa …