Saturday , September 24 2022
Lyca Gairanod

Lyca nag-sorry sa mga taong na-offend at kay PBBM

MA at PA
ni Rommel Placente

NAGPALIWANAG si Lyca Gairanod ukol sa controversial answer niya sa Family Feud nang sumali siya rito at ang kanyang pamilya. 

Nilinaw ng singer na wala siyang nais ipakahulugan sa naging sagot niya at idinenay din niyang ang kasalukuyang presidente ng Pilipinas na si Bongbong Marcos ang kanyang tinutukoy.

Nag-viral kasi sa Twitter ang video clip na kuha sa episode ng Family Feud, na tinanong siya kung sa anong hayop inihahalintulad ang corrupt na politiko. At ang naging sagot niya ay sa tigre. Kilala sa bansag na “Tiger of the North” si PBBM at ito rin ang pakilala sa kanya nitong nagdaang election campaign. 

Sabi ni Lyca, “Guys, iki-clear ko lang ‘yung about sa issue na kumakalat noong [August] 15. Actually guys, hindi ko siya itinutugma sa presidente natin and siyempre wala naman kaming karanasan sa Martial Law or whatever.” 

Aniya, naintindihan naman niya ang itinanong sa kanya ni Dingdong Dantes ngunit kapag ikaw na raw mismo ang nakasalang ay may pagkakataong mabibigla ka rin sa sagot mo at mabablangko. 

“Ang hirap sumagot nang biglaan kasi nga mayroon lang kayong 3 seconds,” dagdag pa ni Lyca.

Hindi rin naman niya mapipigilan ang mga tao na magbigay ng opinyon ukol sa nangyari.

“Natatawa nga ako sa mga gumagawa ng isyu. Ginagawa nilang personal or ‘yung iba, hindi maka-move on pero at least ‘yung presidente natin nakaupo na,” sabi pa ni Lyca.

Kaya naman humingi na rin siya ng tawad sa mga taong na-offend sa kanyang sagot na tigre lalo na kay PBBM.

About Rommel Placente

Check Also

Editor at kolumnista ng Hataw bibigyang parangal sa 3rd Asian Business Excellence Awards 2022 

MATABILni John Fontanilla BIBIGYANG-PARANGAL ng Asian Business Excellence Awards ang ilang natatanging indibidwal mula sa iba’t ibang …

Ryza Cenon

Ryza tinalakan ang Maynilad (Water bill umabot ngP120k) 

MATABILni John Fontanilla SUPER shock si Ryza Cenon nang bumulaga sa kanya ang bill niya sa tubig …

Vhong Navarro Atty Alma Mallonga

Abogado ni Vhong nanindigan: ‘Di totoo ang bintang na rape

MA at PAni Rommel Placente SA panayam pa rin ng PEP.ph sa legal counsel ni Vhong Navarro na si Atty. …

Janice de Belen Inah Estrada Jake Vargas

Janice sa isyung buntis ang anak — Mahirap itago iyan dahil sa socmed

DEADMA lang si Janice de Belen tungkol sa kumakalat na tsismis na nabuntis umano ang anak niyang …

Bong Revilla Jr

Sen Bong mamimigay ng kotse, motorsiklo, laptop, at cash sa kanyang kaarawan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio TIYAK na marami ang matutuwa sa espesyal na regalo ni Sen …