Wednesday , February 28 2024
Jessy Mendiola Luis Manzano

Jessy ramdam tuwing umaga paggalaw ng anak sa tiyan

MA at PA
ni Rommel Placente

SA video na in-upload ng mag-asawang Jessy Mendiola at Luis Manzano sa kanilang YouTube vlog, ikinuwento ng aktres ang naging journey niya nang malamang buntis siya.

Kuwento ni Jessy, ”Nararamdaman ko siya morning pa lang, may laman na ‘yung tummy ko.”

Kaya agad na tinawagan ni Jessy ang asawang si Luis para bumili ng pregnancy test.

“That afternoon noong nag-test ako, roon na namin nakita na positive,” pagpapatuloy ni Jessy.

Sa pangalawang try nila ng pregnancy kit ay naging malinaw na ang linya at doon nila nakompirma na talagang finally ay preggy na nga si Jessy.

Isa pa sa mga rebelasyon nila, hindi nila agad sinabi sa kanilang mga pamilya ang pagbubuntis ni Jessy pero isa sa mga unang nakaalam ay ang mommy ni Luis na si Vilma Santos.

Sunod na sinabihan nila ay ang mommy naman ni Jessy at dahil excited ito ay naibalita na niya ito sa lahat ng kanilang kamag-anak.

Nang sabihin naman nila ito sa ama ni Luis na si Edu Manzano ay labis din ang saya nito ay may pa-bouquet of roses pa na ibinigay kay Jessy.

Sa ngayon ay nasa ika-2nd trimester na ang pagbubuntis ni Jessy.

About Rommel Placente

Check Also

Sylvia Sanchez Lorna Tolentino

Sylvia hataw ang tandem kay LT, Nathan Studios mas magiging aktibo ngayong taon

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MAGIGING abalang-abala ngayong taon ang premyadong aktres na si Sylvia …

David Pomeranz When Magic Hurts

David Pomeranz ipinagkatiwala kantang Got to Believe in Magic sa pelikulang When Magic Hurts

I-FLEXni Jun Nardo PUMAYAG ang foreign singer na si David Pomeranz na gamitin ang kanta niyang Got To …

Blind Item, Man Woman Fighting

Actress-host wa na epek ang pamba-blackmail na magpapakamatay kay poging BF

I-FLEXni Jun Nardo ON and off ang relasyon ng showbiz couple na ang babae ay …

Blind Item, Gay Lovers, matinee idol, male star

Batikang showbiz gay nalansi ni poging kontesero na make-up artist din pala

ni Ed de Leon MINSAN talaga ano man ang talino ng matsing, nau-unggoy pa rin. …

Vilma Santos

Ate Vi sa fans — Hindi ako magsasawang bigyan ng priority ang kanilang kasiyahan

HATAWANni Ed de Leon ANO nga ba ang halaga ng isang acting award? Bigyan ka …