Monday , April 22 2024
Win Gatchalian ARAL

Panukalang learning recovery program muling inihain ni Gatchalian

SA GITNA ng mataas at nakababahalang antas ng learning poverty sa bansa, muling inihain ni Senador Win Gatchalian ang isang panukalang batas na layong magpatupad ng learning recovery program sa buong bansa upang tugunan ang epekto ng matagal na pagsasara ng mga paaralan dahil sa pandemyang dulot ng CoVid-19.

Ang Senate Bill No. 150 o ang Academic Recovery and Accessible Learning (ARAL) Program Act ay isa sa mga prayoridad na panukalang batas ni Gatchalian ngayong 19th Congress.

Itinuturing ni Gatchalian ang ARAL Program bilang kanyang pambansang estratehiya upang makahabol ang mga mag-aaral ng bansa sa ibang mga mag-aaral sa mundo, lalo na’t hinaharap nila ang pinsalang dulot ng learning loss.

Bahagi ng panukalang ARAL Program ang mga sistematikong tutorial sessions at remediation plans na angkop sa pangangailangan ng mga mag-aaral.

Batay sa datos na nakalap bago magpandemya, tinataya ng World Bank na umabot sa mahigit 90 porsiyento ang learning poverty sa bansa. Ibig sabihin, siyam sa 10 batang may edad na sampu ang hindi marunong bumasa o umunawa ng maikling kuwento.

Tinitiyak ng panukalang ARAL Program na ang mga mag-aaral ay makatatanggap ng sapat na oras para sa pagtuturo upang makabisado nila ang essential competencies at maiwasan ang learning loss.

Target ng panukalang programa ang mga mag-aaral na hindi nag-enroll sa School Year 2020-2021, ang mga nahuhuli sa kanilang pag-aaral, at ang mga nakamit ang minimum level ng mastery sa language, mathematics, at science.

Bibigyan din ng prayoridad ng ARAL Program ang Reading upang mahasa ang critical and analytical thinking skills ng mga mag-aaral. Para sa mga mag-aaral sa Kindergarten, bibigyang prayoridad ng ARAL Program ang mga foundational competencies na layong magpapatatag sa kanilang kakayahan sa literacy at numeracy.

Magsisilbing tutors para sa ARAL Program ang mga guro at para-teachers na makatatanggap ng sapat na sahod para sa kanilang serbisyo.

Ang mga mag-aaral sa kolehiyo na magboboluntaryo bilang tutors sa loob ng dalawang semestre ay ituturing na nakakompleto ng Literacy Training Service sa ilalim ng National Service Training Program (NSTP).

“Upang tuloy-tuloy na makabangon ang sektor ng edukasyon mula sa pinsalang dulot ng pandemya, kailangan nating magpatupad ng malawakang programa para sa learning recovery. Titiyakin nating matututukan natin ang pangangailangan ng ating mga mag-aaral upang hindi sila mapag-iwanan pagdating sa kanilang kaalaman,” ani Gatchalian.

Batay sa isang ulat ng United Nations Educational, Scientific, and Cultural Organization, UNICEF, at ng World Bank na lumabas noong Disyembre 2021, maaaring umakyat ng sampung percentage points ang learning poverty sa mga lower-middle income countries tulad ng Filipinas dahil sa pagsasara ng mga paaralan. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Bong Revilla, Jr

Revilla tuloy ang serbisyo-publiko sa kabila ng aksidente

“SALAMAT sa mga nag-aalala kung ano ang nangyari sa akin, pero nasa mabuti na akong …

Lobo Batangas

Sa Batangas 
PAGLAGANAP NG ILEGAL NA SUGAL SA LOBO IKINABAHALA NG BUSINESSMEN

LUBOS na nababahala ang grupo ng mga negosyanteng kinabibilangan ni Efren Ramirez sa isyu ng …

Bong Revilla Jr Maynilad sinkhole

Maynilad panagutin sa sinkhole — Revilla

“DAPAT managot ang Maynilad at kanilang mga kontraktor.”                Ito ang ipinahayag ni Sen. Ramon …

BUCAA Bulacan Daniel Fernando

Sa Liga ng Palarong Basketball ng BUCAA  
MAGLARO NANG MAY PUSO — GOV. DANIEL FERNANDO

“MAGLARO kayo nang may puso. Ipakita ninyo ang pagmamahal ninyo sa sports. Tandaan ninyo, ang …

shabu drug arrest

Sa Caloocan
PINTOR HULI SA P.1-M SHABU

IMBES pagpipinta ng bahay, pumasok sa ‘drug trade’ ang isang house painter pero ‘minalas’ na …