Tuesday , September 27 2022
Jessy Mendiola Luis Manzano baby

Jessy ibinahagi baby bump at sonogram ni Little Peanut

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

MASAYA at proud na ibinahagi ni Jessy Mendiola ang kanyang baby bump sa kanyang social media account. Ito’y matapos nilang ibinalita ni Luis Manzano na magiging mommy at daddy. Ipinakita rin nila ang sonogram ng kanilang magiging panganay.

Sa Instagram post ni Jessy, ibinahagi niya ang ilang pictures na kuha sa kanyang maternity shoot kasama si Luis. Kinunan ito sa isang lugar sa Baguio. Nakasuot si Jessy ng simple at classy dreamy white dress habang naka-blue suit at pants naman si Luis.

Sa isa pang IG photo naman ay ang ipinakita nila ang sonogram ng kanilang magiging anak at ang picture ni Jessy na naka-two-piece habang hawak-hawak ang kanyang maumbok na tummy. 

May caption iyong, “Say hello to the world, our little Peanut.”  

Nakatutuwa naman ang caption ni Jessy nang nalamang buntis na siya, “What a pleasant surprise! We had planned for our church wedding this year but suddenly God gave us this wonderful blessing, proving time and again that God is the master planner.

“No matter what your plans are, HE has a divine plan for you, one that is definitely BETTER than what you have imagined. His plan is always the best.

“For now, our planned church wedding will have to take a backseat until our bundle of joy arrives. This is, by far, the best surprise we have received in our lives. Indeed, with God all things are possible. 

“Join us as we enter this new journey in our lives as parents,” ani Jessy.

May mensahe naman si Luis sa kanyang asawa, “I will choose to love [you]. I promise to be the best husband, partner, best friend, and father I could be. We have been through so much, so many smiles and tears but I will do it all over again if it means leading me back to you.”

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

BingoPlus Day 2

Ogie, Maine, Morisette may bonggang pasabog sa Sabado!

WAGING-WAGI ang bonggang pasabog ng BingoPlus Day 2 na pangungunahan ni Ogie Diaz, kasama ang mga special guest …

Njel de Mesa The Miranda Bomb

Direk Njel de Mesa, pasabog ang short film na The Miranda Bomb               

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SA panahon na nagkalat ang fake news, maraming mapupulot ang …

Wilbert Ross Debbie Garcia, Rose Van Ginkel, Ava Mendez, Angela Morena, Jela Cuenca GB Sampedro

Wilbert Ross, tinuhog ang limang Vivamax stars sa pelikulang 5 in 1

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio “FEELING ko, ako iyong pinakamagandang lalaki sa buong mundo ngayon, …

Jane de Leon Darna

Jane napikon sa bintang na ‘di bagay mag-Darna

NAPIPIKON na pala si Jane de Leon sa mga basher/detractors niya na nagsasabi na hindi siya bagay …

Gladys Reyes Moments Net25

Gladys haligi na ng Net 25, Moments 16 taon na

I-FLEXni Jun Nardo HALIGI na ring maituturing si Gladys Reyes sa Net25. Aba, ang talk show niyang Moments ay 16 …